Sa pagkarinig ng mga salita ni Dong Qiu, hindi mapigilan ni Yang Hui
ang kaniyang sarili kung hindi ipagaspas ang kaniyang mga pakpak.
"Hmph! Kahit ang Martial Emperor Stage ay nahihiwalay sa
maraming mga antas." Sa mismong sandali na ito, nagpahayag siya
ng isang pagsinghal. Ang boses ang puno ng muhi at ang
mapagmataas na ngiting kalilitaw pa lamang sa mukha ni Yang Hui ay
bigla na lamang nanigas.
Ang paningin ni Yang Hui ay biglang napunta sa kalbo, at hindi gaano
katandang lalaki na siyang may suot na balat ng tigreng damit at
siyang nasa likuran ni Dong Qiu.
Siya ang nagbigay ng pahayag kanina.
Habang nakatayo roon, ang kalbong lalaki ay nakatitig kay Duan Ling
Tian at mayroong pagkamuhi sa kaniyang mga mata.
"Dong Qiu, mukhang si Little Hu ay mayroong napakalaking tiwala sa
kaniyang mga sariling abilidad." Hindi napikon si Yang Hui. Sa halip,
ngumisi siya kay Dong Qiu.