Kahit na nagwawala sa galit ang damdamin ng Yin Yang Sect elders, wala silang magawa kundi ang ibigay ang 950 mga Origin Stone.
"Elders, aantayin ko ang susunod nating pagkikita." Matapos matanggap ng pinuno ng pirta ang mga Origin Stone, tinignan niya ang dalawang Yin Yang Sect elder ng may ngiti. Mukhang nagpapakita ng pagiging palakaibigan.
Nang marinig ang mga salita ng pinuno ng pirata, ang dalawang Yin Yang Sect elder ay nagalit ng sobra at ang kanilang mukha ay namula. Ang kanilang diddid ay halos sumabog sa galit at hindi nila maibalik ang kanilang pagiging kalmado.
"Paalam, bata.:"Bago umalis gamit ang kanilang malilit na matulin na bangkas habang pumipito, tumingin ang pinuno ng pirata kay Duan Ling Tian, na ang mata ay nakapikit at hindi nagbigay ng anumang pansin sa paligid,
Kasabay nun, ang matulin na bangka ng Yin Yang Sects ay nagkaroon na muli ng kapayapaan.