"Kayo palang dalawa iyan." Mayroong mapagmataas na ekspresyong tiningnan ni Zhang Yan ang dalawang disipulo ng Sun Moon Sect bago siya sumagot nang walang sigla, "Maswerte talaga kayong dalawa. Nakatagpo kayo n Profundity Fragment huh?"
Profundity Fragment?
Sa sandaling narinig nila ang mga sinabi ni Zhang Yan, hindi mapigilang manliit ng mga mata nina Hu Lin at Zhang Ping, mayroon ding gulat na ekspresyon ang kanilang mga mukha.
Matapos ang isang sandali, naunang matauhan si Hu Lin. Ang unang ginawa ay titigan ang napakagandang kahong nakalagay sa itaas ng kweba bago sinabi sa sarili, "Ang ibig mong sabihin ay ang kayamanang nasa loob ng napakagandang kahon na iyon ay isa palang Profundity Fragment?
Kaharap ang tanong ni Hu Lin, sinabi ni Zhang Yan, "wala na itong kinalaman sa iyo ngayon kahit na Profundity Fragment ang nasa loob ng kahon o hindi!" Kalmado ang kaniyang tinig at kasing lamig ng tubig, wala itong taglay na anumang emosyon.