Matapos niyang ilabas ang materyal, nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian.
Hiss!
Nang itaob niya ang kaniyang palad, isang maliit na apoy ang sumindi sa gitna ng kaniyang palad. Biglang umangat ang apoy habang ito ay nagwawala at kumakalat.
Ang apoy na ito ay nagpakita ng gintong kulay, at ito ay nakasisilaw at kaakit-akit.
Ito at isang grade seven Weapon Flame.
Kasunod ng paglabas ng grade seven Weapon Flame, ang tumpok ng mga weapons refining materials na inilabas ni Duan Ling Tian ay mabilis na natunaw at naging likido na nagsama sa ilalim ng kontrol ni Duan Ling Tian sa huli.
Halos kasabay nito, tinunaw ni Duan Ling Tian ang grade eight spirit cauldron at isa pang likido ang lumitaw.
Sa huli, naghalo ang dalawang likido at unti-unting nagsama. Sa ilalim ng pagsisiklab ng grade seven Weapon Flame sa kamay ni Duan Ling Tian, ang mga likido ay unti-unting naging isa, hindi na magkaiba sa isa't isa.