Matapos umalis ni Duan Ling Tian at Lu Qiu sa Megrez Hall nang magkasama, sila'y dumaan sa naunang ruta upang makabalik.
"Duan Ling Tian, ikaw…." Sa daan, si Lu Qiu ay nagdadalawang-isip, mukhang may nais siyang sabihin ngunit nakararamdam ng pangangamba.
"Tandang Lu Qiu, minsan mo nang niligtas ang aking buhay at nabiyayaan ako ng bagong buhay… Kung ikaw ay may nais sabihin, ako ay tuwiran mong kausapin." Napangiti ng bahagya si Duan Ling Tian, ang kanyang ngiti ay tila malamig na simoy ng hangin na pumapahid sa mukha ng tao.