Hindi pinansin ni li Fei ang magalang na bati ni Hu Xue Feng, para bang wala siyang narinig.
Ang ngiti sa mukha ni Hu Xue Febf at bahgayang nanigas, ngunit pinanatili pa rin niya ito habang bumabaling ang kaniyang tingin kay Duan Ling Tian, at isang bakas ng nakasisindak na lamig ang nakahalo sa kailaliman ng kaniyang tingin. "Junior Brother, ano ang pangalan mo?"
"Little Fei, tara na." Hinawakan ni Duan Ling Tian ang kamay ni Li Fei at mabilis na nagtungo sa Mizar Platform, at hindi man lamang tiningnan sa mata si Hu Xue Feng mula simula.
"Sige."
Ang ngiti sa kaniyang mukha ay tuluyang nanigas nang makita niyang masunuring tumango si Li Fei, at sinuportahan ang kaniyang sarili sa matatag na balikat ni Duan Ling Tian na parang isang maliit na ibong nagpapahinga sa isang tao, at naglakad patungo sa Mizar Platform.