Isang umaga, sa labas ng Aurora City, tatlong malalaking kabayo ang tumatakbo papalabas ng bayan.
Siguradong ito ay sina Duan Ling Tian, Xiao Yu, at Meng Quan.
"Kapag nakarating na tayo sa Iron Blood City, makakasalamuha natin ang mga batang henyo ng Swallow Mountain County at ang walumpung iba pang bayan… Kapag naiisip ko ito ay kumukulo ang dugo ko."
Habang papunta sila ay ngumiti na parang bata si Meng Quan.
"Oo, Ang Aurora city ay isa sa walumpung bayan na nasa ilalim ng pamumuno ng Swallow Mountain Kingdom. Ang iba pang walumpung bayan ay kasinlaki ng Aurora City at siguradong may matatalinong kabataan din ang nakatiro doon… Para sa County City, siguradong marami din ang matatalinong taong lilitaw doon." Pagsang-ayon ni Xiao Yu.
"Anuman ang manyari, ang ating layunin sa pagkakataong ito ay ang mangibabaw at maging miyembro ng Iron Blood Army's Genius Camp," Sabi ni Duan Ling Tian nang may seryosong tingin.