下載應用程式
0.34% War Sovereign Soaring The Heavens (Tagalog) / Chapter 8: Ang Dalagitang si Ke Er

章節 8: Ang Dalagitang si Ke Er

編輯: LiberReverieGroup

Pinapasok ni Duan Ling Tian ang dalagita sa kanilang bahay at hinanap ang kanyang ina na si Li Rou.

Sandali namang nagulat si Li Rou nang makita niyang nagdala ng isang dalagita ang kanyang anak pauwi sa kanilang bahay.

Kahit na nakasuot lamang ng simpleng damit ang dalagita ay hindi parin nito maitatago ang kanyang natural na kagandahan. Sa unang tingin pa lang ni Li Rou sa kanya ay napansin na nito ang angking kagandahan ng dalagita.

"Siya ang aking ina" sabi ni Duan Ling Tian habang ipinapakilala ang kanyang ina sa dalagita.

"Ako naman po si Ke Er. Ikinagagalak ko po kayong makilala Madam."

Hindi kumportable at nahihiya pa ang dalagita noong makaharap niya si Li Rou. Nagresulta ito sa pagpula ng kanyang mukha na lalong nagpacute sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin nito Tian?"

At sumulyap si Li Rou kay Duan Ling Tian habang nakangiti ng kaunti.

Hindi niya inaasahang maguuwi nang napakagandang binibini ang kanyang anak matapos lumabas sa loob lang ng maikling panahon.

"Ganito po kasi iyon ina…" Ikinuwento ni Duan Ling Tian ang buong kuwento kung paano niya nakilala ang dalagitang iyon na si Ke Er. Hindi siya nagtago ng kahit na anong detalye maging ang pagtuturo niya ng leksyon sa young master na si Fang Jian.

"Hindi ba iyon ang Fang Jian na kilala sa buong Fresh Breeze Town dahil sa kanyang kalokohan? Hindi na mahalaga kahit na bugbugin mo siya. At kahit na magpunta ang buong pamilya Fang dito para maghanap ng gulo, ang mahalaga ay tayo ang nasa tama."

Nanlalamig na sinabi ni Li Rou bago ito tumango. Matapos nito, dahan dahan niyang sinulyapan nang puno ng pagmamahal na nanggagaling sa isang ina ang dalagita.

"At dahil wala ka nang mapupuntahan ay puwede ka nang manatili rito sa amin. Tamang tama, ang aming tagapaglingkod ay umuwi sa kanila upang magpakasal. Maaari ka munang manatili sa kanyang silid."

Sabi niya. Matapos nito ay masaya siyang tumingin sa dalagita.

"Maraming salamat po Madam."

Mabilis at sabik na sabik na nagpasalamat si Ke Er habang ang mga pisngi nito ay namumula na para bang isang rosas.

"Halika rito at nang makapagpalit ka na."

Isinama ni Li Rou ang dalagita patungo sa silid nito. Naiwan naman ang nakatulala at namamanghang si Duan Ling Tian.

Noong sumunod muli ang dalagita kay Li Rou upang makapagpalit ng damit, nagpalit ito ng bagong damit na may maaliwalas na kulay. Tinulungan din siya ni Li Rou na lagyan ng make up ang kanyang mukha.

Itinali na rin niya ang kanyang napakahabang buhok na kulay jet black, at ang kanyang napaka eleganteng mukha ay namumulang nagningning na para bang isa siyang lotus na namumukadkad sa ganda.

Ang kanyang maninipis na kilay ay parang isang willow leaf at ang kanyang mga mata naman ay maihahalintulad sa isang apricot. Ang kanya namang napakagandang ilong at namumulang labi ay kapansin pansin din. Halos maging perpekto na ang kanyang mukha.

Ang kanyang dibdib na unti unting lumalaki ay parang isang nakasarang bulaklak na maaaring bumuka at mamukadkad sa ano mang oras.

Kitang kita naman ang kurba ng kanyang mga baiwang na kayang yakapin gamit lamang ang isang braso, gayundin ang mabilog at malambot nitong likuran at ang kanyang mahaba at payat na mga binti. Ang kanyang pangangatawan ay payat, kaaya-aya at napakaganda sa puntong kahit na sino ay mapapatingin dito.

"Isa siyang kaaya-aya at napakacute na binibini kagaya ng kahulugan ng kanyang pangalan."

Pinuri ni Li Rou ang dalagita habang nakatayo siya sa gilid nito.

"Mula ngayon ay sa iyo na iyang mga damit ko na ginamit ko pa noong bata pa lang ako."

Biniro naman ni Li Rou ang kanyang anak na si Duan Ling Tian na kapapasok pa lamang sa kanyang silid. "Tingnan mo, nilagyan lang kita ng kakaunting make-up pero may isa ritong nakatitig na sa iyo ng todo na para bang gusto ka na niyang kainin ng buo!"

Matapos marinig ito ay napangiti na lamang sa hiya si Duan Ling Tian habang inaalis nito ang kanyang paningin sa dalagita.

Ang napaka eleganteng itsura ng dalagita matapos itong malagyan ng make up ang lalong nakapang akit sa kanyang paningin.

Bilang dating Hari ng mga Mersenaryo sa kanyang nakaraang buhay ay hindi siya nauubusan ng mga babae sa kanyang tabi. At kahit na napakaganda ng mga babaeng iyon ay hindi naman gaanong kahinhin at kaelegante ang mga ito.

At hindi mo maikukumpara ang mga ito kay Ke Er sa panahong ito!

"Isa lang po akong tagapaglingkod madam… Hindi po nararapat sa akin ang magsuot ng magagarbong mga damit."

At matapos marinig ang mga sinabi ni Li Rou ay lalo pang namula ang buong mukha nito na para bang magdudugo ito sa ano mang oras. Hindi niya inakala at ikinagulat niya ng sobra ang pagpabor sa kanya ni Li Rou.

Biniro siyang muli ni Li Rou "Sinong nagsabi sa na gagawin kitang tagapaglingkod? At sa tingin ko ay hindi nila ako hahayaan kahit na gawin kitang aking tagapaglingkod…"

Hindi makapagsalita si Duan Ling Tian. Hindi pa siya nakapagbabanggit ng kahit anong salita mula kanina na para bai tong tinamaan ng bala!

Lalong namula pa ang mukha ng dalagita noong marinig niya ang mga sinabi ni Li Rou.

At kahit na hindi itinuring nila Li Rou at Duan Ling Tian ang matalinong batang si Ke Er bilang isang tagapaglingkod, inako pa rin nito ang mga gawaing bahay.

At kung siya mismo ang tatanungin, sobra sobra na ang kabaitang ipinakita ng kanyang young master at madam sa kanya. At kung wala siyang gagawin para matumbasan ito ay hinding hindi siya mapapalagay.

Isinapuso ng napakabait at napakatalinong si Ke Er ang pagtanggap sa kanya nina Li Rou at Duan Ling Tian at madaling naging komportable sa pagkakabilang niya sa maliit na pamilyang iyon.

Sa tirahan ng pamilya Fang.

Sa isang katamtamang laki ng bakuran, isang lalaki na may edad na nasa 30 hanggang 40 taong gulang ang lumabas. Madalas itong tumitingin sa isang silid na para bang may hinihintay na balita.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas ang isang matandang lalaki galing sa silid.

"Ano na po ang lagay ng aking anak Master Sun?"

Mabilis na bati ng lalaki sa matandang lalaking lumabas sa silid.

"Walang awa ang taong gumawa nito sa iyong anak Manager Fang. Halos mawasak na ng tuluyan ang spine ng anak mo… At wala pa ring pagbabago akong nakita rito matapos niyang uminom ng Grade Nine Gold Injury Pill. Wala na akong magagawa pa rito. Nakikiramay ako sa iyo para sa iyong anak."

Buntong hininga ng matandang lalaki habang kinakamot nito ang kanyang ulo.

"Ano?!

Sabi ng lalaki habang bumagsak naman ang itsura nito.

Kahit na ang Grade Nine Alchemist na kanilang kinuha at binayaran ng napakalaking halaga ay walang nagawa para mapagaling ang kanyang anak. Ang ibig bang sabihin nito ay magiging baldado na ang kanyang anak habang buhay?

"Fang Qiang!"

Isang matikas na lalaki na na may edad din na 30 hanggang 40 ang pumasok at nagbigay ng isang napakagandang lalagyan kay Fang Qiang.

"Naglalaman ito ng Grade Eight Gold Injury pill, dalian mo na at ipaninom ito sa iyong anak."

"Ama!"

Nakatulalang tumingin si Fang Qiang.

At kahit na gustuhin niya mang magmakaawa sa pinakaama upang makuha ang nagiisang Grade Eight Gold Injury Pill ng pamilya Fang, Hindi niya na ito itinuloy dahil alam niya sa kanyang sarili na hinding hindi niya makukuha iyon dahil sa mababa niyang estado sa pamilya Fang.

Wala na siyang magawa kundi ang masabik noong makita niyang dala dala ng pinaka ama ng pamilya Fang ang Grade Eight Gold Injury Pill upang iabot sa kaniya.

"Kung hindi lang sa suwail kong anak ay hindi magkakaganiyan ang anak mo Fang Qiang. Humihingi ako ng tawad sa nangyari. Sisiguruhin kong hindi makakaligtas sa aking parusa ang suwail na batang iyon dahil sa kanyang ginawa at hindi ako titigil hangga't hindi niya kayo nabibigyan ng magandang dahilan" Sabi ng amang si Fang Yi na may halong kahihiyan at pagsisisi.

"Ama!"

Napaluhod si Fang Qiang pagkagulat nito sa sinabi ng ama. Nawala rin nang parang isang bula ang lahat ng sama ng loob nito sa kanyang puso.

"Tumayo ka na diyan at ipainom mo na sa iyong anak ang tabletang gamot" sabi ni Fang Yi.

Tumayo si Fang Qiang at dahan dahang kinuha ang Grade Eight Gold Injury pill mula sa mga kamay ni Fang Yi.

"Kung hindi niyo po mamasamain Manager Fang… Kahit na ang Grade Eight Gold Injury Pill ay hindi kayang gamituin ang iyon anak, paano pa kaya ang Grade Eight Gold Injury Pill!" Biglang sinabi ng matandang lalaki na nakatayo sa kanilang gilid.

"Kung mayroon lang kayong isang Bone Formation Pill… Pero napakahirap makahanap ng Bone Formation Pills."

Agad na nanigas ang mga kamay ni Fang Qiang dahil sa pagkawala nang mula ng kanyang pagasa, habang kinukuha nito ang Grade Eight Gold Injury Pill mula kay Fang Yi.

"Kahit na, Hayaan mo munang inumin ito ng iyong anak at subukan ang kanyang kapalaran" sabi ni Fang Yi.

"Hindi na po kinakailangan ama. Naniniwala po ako kay Master Sun. Wala pong saysay kung sasayangin natin sa aking anak ang napakahalagang tabletang gamot na ito."

At umiling si Fang Qiang

"Ang nais ko lang po ngayon ay ang mahanap kung sino ang gumawa nito sa aking anak at maghiganti!"

Habang punong puno ito ng pagkapoot, kumislap ang mga mata ni Fang Qiang habang humihinga ito ng malalim.

"Nakasisiguro ka na gagawin ng pamilya Fang ang lahat ng kanilang makakaya para mahalap ang gumawa nito sa iyong anak!" Malakas na sinabi ni Fang Yi.

"Maraming salamat po ama."

Sa tirahan ng pamilya Li.

Kumalat ang balita na para bang isang kidlat sa mga miyembro ng pamilya Li.

Magtutuos ang henyong martial artist na si Li Jie at ang anak ng ika siyam na nakatatandang si Duan Ling Tian!

At walang mayroon ding mga kumakalat na balita na pinuntahan daw ng ika-pitong nakatatanda ang ama at ang Pinaka nakatatanda upang masaksihan ang pagtutuos.

Nagkaroon nang pagkasabik sa mga miyembro ng pamilya Li sa magiging pagtutuos dahil sa mga balitang kumakalat.

"Noong maparalisa ni Duan Ling Tian ang isang braso ni Li Xin, alam ko na agad na hinding hindi ito palalagpasin ng ika pitong nakatatanda at ng anak nitong si Li Jie. Sinong magaakala na mangyayari ang pagtutuos na ito sa loob lamang ng napakaikling panahon!"

"Ang paghamon ng isang martial artist na nasa ika apat na antas na ng kanyang body tempering stage sa isang martial artist na nasa unang baitang pa lamang ng kanyang body tempering stage, talagang inalis na ni Li Jie ang lahat ng kanyang pride para lang maipaghiganti lang ang kapatid niya!"

"Ano kaya ang pumasok sa isip ni Duan Ling Tian para tanggapin ang hamong ito galing kay Li Jie… Hindi kaya tuluyan na siyang nasiraan ng ulo mula noong bugbugin siya ng husto ni Li Xin ngayon?"

"Siguradong hindi magpapakita ng kahit na anong klase ng awa si Li Jie kay Duan Ling Tian. At kung hindi niya man tuluyang mapatay ito ay nakasisiguro akong magiging baldado ang buong katawan nito habangbuhay!"

...

Walang sinuman naniniwalang mananalo si Duan Ling Tian sa darating na pagtutuos.

Isa sa mga kilalang henyong martial artist ng pamilya Li na may napakalaking potensyal na nakaabot sa ika apat na antas ng kanyang Body Tempering Stage sa edad na 16.

Habang ang isa naman ay ang itinatagong miyembro ng pamilya Li dahil sa apilyedo nito na nakakumpleto lamang ng unang antas ng kanyang Body Tempering Stage.

At kahit na umasa siya sa kanyang kakaiba at napakalakas na Collapsing Fist na nakapagpanalo sa kanya sa kanyang kalaban na si Li Xin na nasa ikalawang antas na ng kanyang body tempering stage ay walang naniniwalang matatalo niya ang henyo sa larangan ng martial arts na si Li Jie.

Kahit na magkapatid sina Li Jie at Li Xin ay napakalayo naman ng agwat ng mga lakas nito.

Habang abala ang lahat sa darating na pagtutuos, ang taong dapat na nagiisip tungkol sa magaganap na pagtutuos ay nawala nang parang bula.

"Tapos na!"

Nakangiting sinabi niya habang nakatingin siya sa kanyang singsing na nakasuot sa kanyang ring finger.

Gamit ang masusing pagaaral ng Rebirth Martial Emperor sa pamamaraan ng pagiinskripsyon, matagumpay niyang nainskript ang singsing sa kanyang unang subok sa pamamaraang ito.

"Bibigyan kita ng napakagandang surpresa pagdating ng araw Li Jie."

Kumurba ang mga dulo ng bibig ni Duan Ling Tian na lumikha ng isang ngiti na maihahalintulad sa ngiti ng isang demonyo.

"Handa na po ang inyong tubig young master"

Kaaya ayang naglakad palabas galing sa silid ang dalagita nang matapos niyang mapalitan ang tubig sa pampaligong batya ni Duan Ling Tian.

"Magpahinga ka na Ke Er, mukhang pagod ka na."

Naglakad si Duan Ling Tian papunta sa dalagita at pinunasan ang pawis nito gamit ang kanyang damit.

Napakaingat niyang ginawa ito.

"Hayaan mo na akong gumawa ng mga gawaing ito mula ngayon" naaawang sabi ni Duan Ling Tian.

"Ok lang po young master. Matapos ko pong maligo gamit ang likidong gamot na ibinigay niyo sa akin. Lumakas po si Ke Er ng sobra…"

Ipinagpag ng dalagita ang kanyang munting mga braso at nagpakita ng isang ngiti na nagpapasalamat kay Duan Ling Tian.

"Mukhang makukumpleto na ng Ke Er naming ang kanyang Body Tempering at magiging isang martial artist sa panahong nagsimula ka na sa iyong cultivation method"

Marahang pinisil ni Duan Ling Tian ang munting mga braso ng dalagita at ngumiti.

"Alam po ni Ke Er ang napakagandang trato niyo po sa akin young master. Pero alam ko rin po na hindi pinahihintulutan ng pamilya Li ang paggamit ng mga cultivation methods nito ng hindi nila miyembro… Masaya na po ako na makasama ko kayo ni madam. Hindi na po importante sa akin kung maging martial artist man ako o hindi." Kuntentong sabi ni Ke Er

"Lokong bata ito. Kung magtuturo man ako ng cultivation methods sa iyo, sinisiguro kong hindi iyon manggagaling sa pamilya Li. Sige na at magpahinga ka na. Dadaanan kita sa iyong silid maya maya lang… Ke Er? Bakit bigla atang namula ang iyong mukha? Ayos ka lang ba?"

Umiling si Duan Ling Tian at ngumiti ng bahagya.

"Napakasama niyo po young master… inaapi niyo po ako…"

Matapos biru biruin ni Duan Ling Tian, umalis na ang dalagita habang iniwan nito ang tumatawa na si Duan Ling Tian.


章節 9: Frost God’s Sword Technique

編輯: LiberReverieGroup

Nine Dragons War Sovereign Technique, Spirit Serpent Form!

Sabi ni Duan Ling Tian Habang nakaupo sa kanyang batyang panligo. Mayroong siyang payapang pakiramdam kapag siya ay nagsasanay ng nakasara ang kanyang mga mata….

Ang tubig sa batyang kinauupuan niya ay umikot sa kanyang katawan na para bang isang Whirlpool.

Naipon ang Seven Treasures Body Tempering liquid sa gitna ng whirlpool at pumapasok sa katawan ni Duan Ling Tian upang tulungan itong magpalakas.

Kapansin pansin ang mga pagbabagong nangyayari sa katawan ni Duan Ling Tian sa bawat sandaling lumilipas.

Mabilis na dumadaloy ang kanyang dugo at nanginginig naman ang kanyang mga muscles.

"Hua la la~~"

At noong maubos na ng kaniyang katawan ang Seven Tresures Body Tempering Liquid, binuksan na niya ang kanyang mga mata at umalis sa batya.

"Mukhang matatagalan yata ako sa pag abot ko ng ikalawang antas ng aking Body Tempering Stage.

At habang magaan niyang isinasara ang kanyang mga kamay at nararamdaman ang pagdaloy ng lakas sa kaniyang buong katawan, Isang maliwanag na ilaw ang kumislap sa mga mata ni Duan Ling Tian.

"Kailangan kong maabot ang ikatlong antas ng Body Tempering Stage bago pa man ang pagtutuos naming ni Li Jie! Kung hindi ay hindi ako matutulungan kahit ng mga inskripsiyon na ginawa ko at matatalo sa laban naming ni Li Jie."

Si Lie Jie ay nasa ika apat na antas na ng kanyang Body Tempering Stage, kaya ang kanyang pagpapalakas ay nagbigay sa kanya ng karagdagang 200 pounds ng lakas. Bukod pa riyan ang pagkigas ng kanyang mga buto at internal organs na napakalayo kung ikukumpara sa isang ordinaryong tao dahil sa dami ng pinagdaanan nitong metamorphosis.

At kung hindi maabot ni Duan Ling Tian ang ikatlong antas ng kanyang Body Tempering Stage sa loob lang ng isang buwan, hinding hindi niya masasaktan sa kahit na anong parte si Li Jie kahit na tumayo lang ito doon na para bang isang punching bag. At kahit na gamitan pa niya ito ng Form at Will Boxing.

Ang konseptong ito ay maihahalintulad sa isang bata na nagaaral maglakad. Kahit na ang batang ito ay nasa antas na ng Grandmaster sa larangan ng Form at Will Boxing, hindi pa rin nito kayang makapanakit ng matanda sa kanya.

Ang bata at ang matanda ay may magkaibang antas ng playing field.

Ano pang silbi ng mga technique at abilidad kung ang lakas mo naman ay hindi kayang makapanakit ng iyong kalaban?

"Tama, Kailangan ko nang puntahan si Ke Er."

Iniisip ni Duan Ling Tian kung anong paraan ng pagpapalakas ang ituturo niya kay Ke Er habang naglalakad ito papunta sa kanyang silid.

Maliban sa dalawang nangungunang mga pamamaraan ng pagpapalakas na Nine Dragons War Sovereign Technique at Three Lives Rebirth Technique ay marami pa ang mga pamamaraan sa pagpapalakas ang nasa ala ala ng Rebirth Martial Emperor na kayang makapagpalakas hanggang sa Martial Emperor Stage.

Hindi naman sa ayaw ni Duan Ling Tian na ipasa ang pinakaepektibong Nine Dragons War Sovereign Technique kay Ke Er para ilihim ito, ang iniisip niya na ang pamamaraang ito ay nagresulta sa kanya ng matinding pagkabangis na aabot sa punto na hindi na ito nararapat sa mga kababaihan.

"Kuha ko na! Ang pamamaraang ito ay naangkop sa mga kababaihan… Ang Frost God's Sword Technique, ang isang pamamaraan sa pagpapalakas 20000 taon na ang nakalilipas. Ang Martial Emperor na ito ay may hindi mapapantayan lakas sa paggamit ng espada. Ang pinakamahalaga sa lahat, siya ay isang babae noong panahong iyon!"

Mapa sa Daigdig man kung saan siya nanggaling o hindi kaya sa Cloud Continent, hindi maitatanggi na sadyang mas mahihina ang kababaihan sa mga kalalakihan pagdating sa lakas ng pangangatawan.

At kung gugustuhin man ng isang babae na maging malakas sa Cloud Continent, kakailanganin niyang magsanay ng higit sa pagsasanay na ginagawa ng mga kalalakihan!

Nagpakita ng matinding paggalang at respeto ang Frost Martial Emperor kay Duan Ling Tian!

Nalaman niya rin sa pamamagitan ng mga ala ala ng Rebirth Martial Emperor na minsan nang naglaban ito at ang Frost Martial Emperor…

Nakataya sa labang iyon ang kanilang pamamaraan ng pagpapalakas. At sa huli ay nanalo ang Rebirth Martial Emperor at nakuha ang pamamaraan nang pagpapalakas ng Frost Martial Emperor.

"Sa wakas, ipapasa ko ang pamamaraang ito kay Ke Er."

Noong nakapagdesisyon na si Duan Ling Tian ay sakto ring nakarating na ito sa tapat ng silid ni Ke Er.

Mahina siyang kumatok sa pintuan ng silid.

Bumukas ang pintuan.

"Young Master."

Mahinang sinabi ng dalagita noong nakita niya si Duan Ling Tian. Agad ring namula ang mgadang mukha nito.

Pumasok si Duan Ling Tian sa silid ni Ke Er at isinara ang pinto sa likod niya.

"Naisip ko na ang pamamaraang ituturo ko sa iyo Ke Er. Halika, ibibigay ko muna sa iyo ang Body Tempering section. Tandaan mo itong maigi."

Ngumiti si Duan Ling Tian habang nakikita nito ang kinakabahang dalagita.

Mahinang yumuko naman ang dalagita at nakinig nang maigi.

Hindi nakakapagtaka na isang matalinong bata si Ke Er.

Tatlong beses lamang sinabi ni Duan Ling Tian ang Body Tempering Section nito bago ito tuluyang makabisado ni Ke Er.

Pero nagkaroon agad sila ng malaking problema.

Kahit na alam ko po kung ano ang mga acupuncture points na kakailanganin ko, hindi ko po alam kung saan saan po ito matatagpuan. Ano po ang gagawin ko?"

Tiningnan ni Ke Er si Duan Ling Tian nang seryoso at punong puno ng pagpapasalamat.

"Hindi ako naging maingat! Bakit hindi ko muna itinuro ang mga acupuncture points na iyon?"

Sandaling tumulala muna si Duan Ling Tian bago ito nakangiting nagsabi ng.

"OK, OK."

Sabik namang tumango si Ke Er.

Sa loob ng puso ni Ke Er, gustong gusto niya talagang maging isang martial artist.

At kapag naging isang martial artist na siya, kaya na niyang maprotektahan ang kanyang young master at ang kanyang madam.

Sumunod sa mga ibinigay na direksyon ni Duan Ling Tian si Ke Er at umupo ito sa kanyang higaan na nakaharap kay Duan Ling Tian.

"Ang Jiu Wei Acupuncture point ay may pitong inches pataas mula sa iyong pusod… sa may banda rito."

Dahan dahang itinuro ni Duan Ling Tian ang kanyang kamay patungo sa pusod ni Ke Er. Mula rito ay dahan dahan itong tumaas papunta sa Jiu Wei Acupuncture Point

"Naalala mo ba Ke Er?"

Nararamdaman ni Duan Ling Tian ang mahinang panginginig ng katawan ni Ke Er.

Iniisip niya kung gaano kasensitibo ang dalagitang ito habang palihim na tumatawa sa sarili niya.

"Opo…. Opo, Naaalala ko po."

Namula ang mukha ng dalagita na para bang isang pulang mansanas at ang boses nitong nanginginig na nagpapatunay na nahihiya siya.

Isa isang itinuro ni Duan Ling Tian ang mga acupuncture points.

At habang pataas ng pataas ang kanyang kamay, naramdaman niyang mag nanginginig pa nang lalo ang katawan ng babae na nakapagpabagabag sa puso ni Duan Ling Tian.

At kahit 15 palang si Ke Er, kapansin pansin na ang mga pagbabago nito. At para kay Duan Ling Tian, isa itong temptasyon na hindi niya kayang maiwasan.

Bilang mersenaryo noong kaniyang nakaraang buhay, masasabi na kayang gawin ni Duan Ling Tian ang ano mang naisin niya.

At siyempre, ang lahat ng iyon ay para sa kanyang kaligayahan lamang.

Masyado siyang self-conscious na resulta ng kabi kabilang pakikipaglaban niya sa giyera.

At alam niya sa sarili niya na ang pagibig ay isang panaginip lamang para sa kanya. Hindi niya hahayaang maging weak point niya ito na magagamit ng kanyang mga kalaban para tapusin siya.

"Kaya mo pa bang magtuloy Ke Er?"

Tanong ni Duan Ling Tian matapos mapansin ang pawis na pawis na si Ke Er.

"Maari na po kayong tumuloy Young master."

Nagmamatigas na sinabi niya.

"Ito ang Shan Zhong Acupuncture Point."

Yumuko ulit si Duan Ling Tian at itinuro muli ang kanyang daliri papunta sa katawan ni Ke Er.

Nanginig nang todo ang katawan ni Ke Er na para ba itong nakuryente. Hindi na niya napigilang kaya nahulog ito at napayakap kay Duan Ling Tian.

Nakalanghap siya ng mabangong amoy noong nahulog sa kanya ang magandang dalagitang ito na punong puno ng pawis. Sinalo niya naman ito gamit ang kanyang mga kamay.

Noong dumampi na sa kanyang mga braso ang napakalambot at madulas na katawan ng dalagita, naging marahan at kaakit akit bigla ang simoy ng hangin sa loob ng silid.

Nanginig ang katawan ng dalagita habang iniyuyuko nito ang kanyang ulo sa sobrang hiya.

At biglang tumama ito sa isang matigas na bagay na nagresulta sa hindi maipintang itsura ni Duan Ling Tian. At bigla itong umaray nang parang hindi makahinga.

"Ayos lang po ba kayo Young master…?

Mabilis na itinaas ng dalagita ang kanyang ulo at nakit ang gulat na gulat na mukha ni Duan Ling Tian.

"Maayos lang ako."

Suminghal ito galing sa kanyang lalamunan.

Mukhang naiintindihan na ng dalagita ang nangyari sa mga sandaling ito. Kung kaya ay nahihiya niyang itinaas ang kanyang ulo at iniwasang tingnan si Duan Ling Tian.

"Tanungin mo na lamang si ina kung nasaan ang mga natitira pang mga acupuncture points. Kailangan ko nang umalis."

Pilit na tumayo at umalis sa higaan ni Ke Er si Duan Ling Tian.

"Nahihiya ako ng sobra… ngayon ko lang talaga…. talagang…"

Iniwan niya ang isang dalagitang sa sobrang pula ng mukha ay may tutulo nang dugo mula rito habang mahina niyang kinakausap ang sarili niya.

Huminga siya ng malalim matapos niyang umalis sa silid ng dalagita. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at may magawang hindi maganda

Base sa mga sasabihin ng mga tao galing sa kanyang nakaraang buhay.

Ang 15 taong gulang na batang si Ke Er ay sadyang bata pa.

"Tian! Bakit ka lumalabas sa silid ni Ke Er huh?"

Nakita naman ng kadarating dating lang na si Li Rou ang tila natatarantang kilos di Duan Ling Tian noong makasalubong niya ito.

"May mga kinakailangan pa po akong gawin ina. Babalik na po ako sa aking silid."

Noong nakita niya ang tingin ni Li Rou sa kanya, Agad siyang natawa at nagmadaling bumalik sa kanyang silid.

At bilang nakakatanda na kung saan marami na siyang pinagdaanan, hindi na rin mapigilan ni Li Rou ang kanyang tawa.

Malaki na nga talaga ang anak ko.

Pumunta at pumasok so Li Rou sa silid ni Ke Er na naiwang nakabukas.

"Ikaw Ke Er…"

Noong nakita niya ang dalagitang mamulamulang nakaupo sa kanyang higaan. Tiningnan niya ito ng may bahid ng kapilyahan.

"Madam!"

Nanginig ang dalagita noong napansin nito si Li Rou na papasok sa kanyang silid.

"Hindi po ito tulad nang iniisip niyo madam. Kami po ni Young master… Si Young master po ay nagtuturo lamang po sa aking kung paano malalaman kung saan ang mga acupuncture points."

Nagmamadali niyang paliwanag.

"Malaman kung saan ang mga acupuncture points?"

Matapos niyang marinig ito ay lalo pang naging kakaiba ng mga tingin nito.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C8
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank 200+ 推薦票榜
    Stone 205 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄

    tip 段落評論

    段落註釋功能現已上線!將滑鼠移到任何段落上,然後按下圖示以添加您的評論。

    此外,您可以隨時在「設置」 中將其關閉/ 打開。

    明白了