Sa ibabaw ng napakalaking Remote Ocean makikita ang isang napakalaki at may limang kulay na whirlpool, mayroon itong nasa 10 bilyong milyang diametro. Binalot nito ang kalangitang nasa ibabaw ng Remote Ocean. Gold, wood, water, fire at ground—perpektong nagsama sama ang limang mga origin law. Makikita naman sa gitna ng whirlpool ang isang bahagi ng space na naglalabas ng walang katapusang puwersa na nagmumula sa space origin law!
Hua! Hua! Hua!
Rumagasa ang walang katapusang undying na enerhiyang nagmumula sa space at sumalin sa napakalaking Remote Ocean ni Luo Feng.
"Napakasarap talaga sa pakiramdam ng proseso sa pagdating ng mga origin law sa kalawakan." Tumingala si Luo Feng at namangha.