May iba't ibang klase ng mga masasarap na putaheng nagmula sa iba't ibang bahagi ng kalawakan ang makikitang nakalatag sa lamesa, pero walang kahit na isang hinawakan dito si Luo Feng. Nagsalin ang City Leader ng wine at tumingin kay Luo Feng.
"Hindi mapapantayang overlord?" sabi ng City Leader "Alam kong pumapantay na ang undying mong katawan sa isang knight, at mayroon ka ring Remote Ocean na katawan para magsilbing walang katapusang tagasupply ng undying na enerhiya sa iyong mga katawan. At isang Golden Horned Beast na may 600 milyang haba. At sa pamamagitan din ng ginagamit mong tunay na kayamanang armor na nara senior level… maging ang isang hindi mapapantayang overlord ay mahihirapang patayin ka, pero hindi pa rin nito ibig sabihing nasa ganoong level ka na."
Pero tinitigan lang ni Luo Feng ang kaniyang guro nang husto.
Tumingin pabalik ang City Leader kay Luo Feng. "Sigurado ka ba?" tanong nito.
Tumango si Luo Feng at sumagot ng. "Opo."