Alam ni Luo Feng na kung gusto niyang magtagumpay, kinakailangan niya munang magsimula sa Beast God Sector. Alam niya na kaya nagbayad ang guro niyang si Sitting Mountain Guest ng malakigng halaga para lang makapasok siya sa lugar na ito ay dahil sa isang bagay dito sa Beast God Sector na makakatulong sa kaniya nang husto. Kaya nagsimula na muli sa paglilibot si Luo Feng sa buong Beast God Sector—pero sinamahan na niya ng pagiging metikuloso at pagiingat ang paglilibot na ginagawa niya ngayon.
Una, nakakuha siya ng dalawang uri ng amplification technique sa ilang mga iskulturang naglalaman ng mga technique sa isang bahagi ng malalawak na lupain sa Beast God Sector.