Lumapag sa lupain si Luo Feng matapos umalis ni Ancestor. Lumapag siya sa tabi ng isang lawa at umupo sa ibabaw ng lupa. Pinakalma niya muna ang kaniyang sarili. Matapos nito ay muli niyang minulat ang kaniyang mga mata at nagsimulang isipin ang hamong ibinigay ng kaniyang guro sa kaniya.