Nilakbay ni Luo Feng ang kalawakan sa loob ng kulang kulang 100,000 taon, pero ito ang unang pagkakaton niyang makakita ng ibang mga golden horned beast. Naging walang katulad din ang tanawin ng 10 magkakasamang golden horned beast na pareparehong nasa knight level.
Lumapit ang isang dosenang naglalakihang mga golden horned beast nang napakabilis kay Luo Feng habang itinatransmit nang malakas at malinaw ang kanilang mga boses.
"Kapatid."
"Maligayang pagbabalik kapatid."
"Ang ating kapatid na naglakbay nang matagal sa kalawakan! Maligayang pagbabalik sa ating tahanan."
Walang nagawa ang Golden Horned Beast na katawan ni Luo Feng at ang kasama nitong Tremble kundi lumapit sa mga ito.
Mahinang sinabi ng Tremble na "Nagawa ko na ang ibinigay sa aking utos na dalhin siya rito. Kaya ngayong naririto na kayong lahat, iiwan ko na siya sa inyo."
"Makakaalis ka na."
"Kami na ang bahala rito."