Minulat ni Luo Feng ang kaniyang mga mata. Sumigaw naman sina Tian Chen Emperor at Ji Hong Emperor sa kaniya ng "Master!"
"Master, naging undying na po ba kayo?" tanong ni Tian Chen Emperor.
Ikinaway ni Luo Feng ang kaniyang mga kamay "Lumabas na kayo."
"Opo master."
Nagtaka rito sina Tian Chen Emperor at Ji Hong Emperor. Hindi nila inaasahang mabibigo si Luo Feng sa pagtawid papunta sa undying level. Sabagay, sa kanilkang mga mata, ito na ang magiging pinakamalaking biro sa kasaysayan ng kalawakan kung hindi magagawang maging undying ni Luo Feng!
Habang magisa sa tahimik na palasyo, umakyat si Luo Feng sa hagdanang nasa gilid ng palasyo papunta sa tukto nito. Sumandal siya sa handrail at tumingin sa Thousand Treasures River.