Magkakasamang naninirahan dito ang siyam na mga world tree na nakapagpapahirap sa sitwasyon, isip ni Luo Feng. Pero isang dahon lang ng World Tree ang kailangan ko kaya hindi naman siguro ito magiging malaking problema para sa akin.
Sa totoo lang, may isa pang issue na inaalala si Luo Feng. Kakaiba at exotic ang lugar na tinitirhan ng mga world tree na kagaya ng bundok na nasa kaniyang tabi. Isa itong lugar na pinangalanang Nine Remoteness Space.
Ang Nine Remoteness Space ay may 12 light years na haba—hindi ito kasing laki ng bundok na nasa kaniyang tabi. Pero isa ito sa pinakamapanganib na lugar sa buong Ancestral God secret region. Alam ni Luo Feng na may ilang mga nilalang dito ang may kakayahang pumantay sa mga universe master. Isang sulok lang sa space na iyon ang inookupahan ng siyam na mga world tree, pero mayroon ding iba pang mga espesyal na nilalang na nakatira sa lugar na iyon. Nakadetalye ang mga ito sa impormasyong nakuha niya.