Ang mga salitang nakaukit sa yelong tablet ay nagsasaad ng nagiisang pagkakataon para makalabas ng mga nakakulong sa Ice Hell nang buhay.
Mula noong huling massacre, nagawa na ng Ice Hell na magkulong ng 12,000 mga undying mula sa lahi ng barbarian, na kung saan ang bawat isa sa kanila ay may kanikanilang mga identification tag. Ang sinumang makakapagipon ng 10,000 mga tag ay siguradong makakaalis ng Ice Hell nang ligtas, at ang sinumang hindi makagawa nito ay tiyak na mamamatay. Ito ang naging kahulugan ng salitang 'massacre' dito. Nagkaroon ng isang massacre noon, at may isang napakalakas na tao mula sa sangkatauhan ang nakaalis sa Ice Hell nang buhay.
"Lahi ng Barbarian!" Bulong ni Luo Feng.
Ito lang ang nagiisan mong tiyansa na makaligtas. Makipaglaban at kunin ang mga tag ng iba kung gusto mong makalabas sa lugar na ito! At isa lang sa inyo ang makakagawa nito!