Kahit na hindi sila nagbabanggit ng kahit isang salita habang yinayakap ang kaniyang asawa sa kaniyang mga braso, naramdaman ni Luo Feng ang init nito, kumonekta ang kanilang mga kaluluwa at nararamdaman nila ang isip ng isa't isa.
Naramdaman ni Luo Feng kung paano siya namiss at minamahal ni Xu Xin.
Naramdaman naman si Xu Xin ang konsensya at sakit na nararamdaman ni Luo Feng.
Dahan dahang inenjoy ng dalawa ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at ang init ng bawat isa.
Matapos ang isang sandali.
"Feng, huwag mo kaming pagaalalahanin, naiintindihan mo ba?" Tumingin si Xu Xin pataas kay Luo Feng at mahinang nagsalita "Alam kong naglalakbay ka sa kalawakan at maraming bagay ang hindi mo hawak. Masyadong mapanganib ang landas ng pagiging isang fighter, pero…gawin mo ang lahat para umiwas sa mga mapanganib na lugar."