Ang mga salitang "May karapatan nang maging isang hindi mapapatayang fighter" ang nakapagpasabig kay Luo Feng. Nagmula ito sa mismong tinitingalang nilalang sa kalawakan…na may kakayahang tumapat sa nagtayo ng Huge Axe Dojo. Sa mga mata ng tinitingalang nilalang na ito, para magawang tawagin bilang isang hindi mapapantayang fighter, kinakailangan muna ng isang nilalang na maging isang universe master.
Mayroon siyang dalawang mga disipulo.
Isa na rito si Pu Ti, isang universe master.
At ang ikalawa ay ang namumuno sa lahi ng Yan Shen, na isa ring universe master.
Si Luo Feng na ang nakatakdang maging ikatlo nitong disipulo. Mayroon na rin itong pagasang maging isang universe master! Napaliyab nito ang pananbik sa kaniyang loob, universe master…at umabot sa tuktok ng knight level kagaya ng namumuno sa Tian Shi palace o ni Xi Luo Duo ay maituturing nang makapangyarihang mga nilalang sa kalawakan. Para naman sa pagabot ng pagiging isang universe master…