Sa loob ng control room, ninenerbiyos na pinanood ni Qiu Chi Ka at ng mga kasama nitong fighters ang mga pangyayari.
"Mamatay na kayong lahat, mas maigi kung magagawa niyong mapatay ang isa't isa." Sabi ng God master n asi Pu Air habang nakatitig nang husto sa projection.
"Panoorin niyo silang maigi, obserbahan ninyo kung anong mga moves ang ilalabas nila" Emphasize ni Qiu Chi Ka "Kahit na nasa emperor level tayong lahat, dahil sa napakatagal nating pagtatago sa loob, hindi pa nating nagagawang makipaglaban sa ibang mga emperor. At masyado na ring matagal na nakikipaglabana ng mga mananakop naito sa labas…kaya kinakailangan nating obserbahan ang mga ito at makakuha ng karanasan sa kanila mula sa pagtingin sa kanilang mga alas. Kailangan nating makuha ang mga laman ng inheritance at treasure room. Hindi sasapat ang pagdepende sa planong ito, kailangan nating dumepende sa ating lakas."
"Opo elder."
"Hm."
Tango ng tatlo nitong mga kasama.