"Sino ang dapat kong hanapin?" Umupo si Fu Wei San sa loob ng nabubuhay niyang spaceship, tumatapik ang kanyang mga kuko sa arm rest habang kumakalmot.
Nang biglang magliwanag ang kanyang mga mata "Tama, ang mga kalahi kong si Lake Ya, siguradong nasa loob din siya ng Shattered stars, siya na lang ang hahanapin ko." Agad niyang ginamit ang kanyang diwa para kontakin ang kanyang kalahi gamit ang kanyang quantum computer. Napamura niyang sinabi na "Ang lahi ng demonyo ay isa sa mga nangungunang lahit sa kalawakan, pero paguusapan ang komunikasyon, masyado pa itong napagiiwanan ng mga tao at ng mga automaton. Lalo na ng mga tao, naririnig kong nagagawa na raw nilang pumasok sa isang virtual universe mula sa anumang sulok ng kalawakan at mayroon din daw itong 100% na simulation na para bang realidad. Naiingit ako nang husto sa mga iyon dahil isa na akong kinikilalang undying pero hindi pa ako nagkakaroon ng ganitong klase ng oportunidad."