Nakaramdam ng pamamanhid ang kanyang katawan mula sa walang hugis na pagtawag mula sa direksong iyon, kumulo ang kanyang mga cell, kasama ang kanyang mga buto, mga organs at iba pa…napanginig ng pagtawag na ito ang buogn katawan ni Luo Feng na para bang desperado siya nitong tinatawag na…halika, bilisan mo, magpunta ka rito!
"Saan niyo po gustong magpunta, kamahalang Luo Feng, marami pong mga bundok ng kalat sa paligid." Tanong ng guide na may maitim na balat at suot na puting robe."
"Doon!"
Tinuro ni Luo Feng ang isang malayong bundok ng mga kalat.
"Opo!"
Sumunod ang dalawang mga guides at ginamit ang kanilang world energy para balutin si Luo Feng, naging isang beam ng ilaw ang tatlo at nagpunta sa isang napakagandang bundok, nagmukha itong malapit pero masyado pa talagang malayo ito mula sa kanila, at sa bilis na 100k km kada segundo, inabot sila ng higit sa 3 oras bago makarating doon.