Anong pamamaraan ang kanyang gagamitin sa paggawa ng mga sundalo?
Ngumiti ang nakaitim na si Luo Feng. Sa totoo lang ay nakagawa na siya ng desisyon sa kanyang loob matapos mapakinggan ang detalyadong paliwanag mula kay queen Alina.
"Nagsanay ako sa 10,000 soul control technique at ngayong nagawa ko na ring kontrolin ang isang reyna mula sa bug clan. Natural lang na ang susunod kong maging goal ay ang pagkakaroon ng isang napakalaking army ng mga insekto!" Isip ni Luo Feng "Kilala ang bug clan sa pagkakaroon ng maladagat na sundalo at hindi sa mahusay nitong taktika sa pakikipaglaban! Maaari akong gumawa ng ilang haring sundalo, pero ang karamihan pa rin ng mga resources ay mapupunta sa maramihang paggawa ng mga pangkaraniwang sundalo."
Ang paggawa sa isang haring sundalo ay nangangailangan ng mga resources na kinakailangan para gumawa ng isang daang pangkaraniwang sundalo.
Kahit gaano pa katindi…