Sa isang mataas at malaking trono tumingin ang isang matandang lalaki kay Luo Feng at ngumiti "Matagal na akong hindi nakakakita ng isang batang tao. Nakakagulat ang iyong pagiging bata kaya hindi ako makapaniwalang natalo mo ang batang si Bei Chuang."
"Nahirapan po ako nang husto sa kanya, Doyen." Buong galang na sinabi ni Luo Feng.
Nagulat siya sa kanyang loob.
Sinabi sa kanya noon ng kanyang gurong si True Yan na nagagawa ng ilan sa mga hindi mapapantayang nilalang sa kalawakan na makita kung gaano na katagal na bubuhay ang isang nilalang sa loob ng isang tingin. Kahit na ang walang kamatayang nilalang, nagagawa ring makita ng mga hindi mapantayang nilalang ang tagal ng kanilang buhay sa loob ng isang tingin. Mukhang nakita ng doyen na ito na wala pa siyang 300 taon na nabubuhay.