Kasalukuyang nakafocus si Luo Feng sa kanyang pagaaral ng sagradong tablet. Hindi niya nagawang magsayang ng ni isang segundo kahit mauhaw o magutom pa siya.
1 araw, 2 araw, 3 araw…
Sa loob ng isang lumang training quarters sa loob ng sagradong lupain nanatili sina Si Fan Qi, Kashna, Dylan at ang lima pang sector lord.
"Pumasok na si kamahalang Luo Feng sa Tower ng Sagradong Tablet para magsanay. Kinakailangan niyo na ring magfocus sa inyong pagsasanay. Tanging ang mga bata lang na makapagsasabi sa kanilang sarili na mas malakas sila kaysa kay Bei Chuang ang maaaring bumalik dito para hanapin siya." Nanlalamig na tiningnan sa entrance ng quarters ni Elder Si Fan Qi ang mga binatang taga gold horn na nagtitipon tipon doon "Hindi ba't kahiya hiya na para sa inyong mas mahihina sa kanya na maghamon?"
Nilabas niya ang kanyang undying na enerhiya.