Sa daanan papunta sa arena makikitang nakatayo ang undying niyang bantay na si Dylan at ang elder na si Si Fan Qi.
"Elder Si Fan Qi, sa oras na magsimula ang laban." Tingin ni Dylan sa tabi ng elder "Kinakailangan mong protektahan ang buhay ng kamahalan, anuman ang mangyari!"
"Alam ko."
Serysong sinabi ng elder "Magiingat ako nang husto. Sa oras na madetermina ang nanalo ay agad kong ititigil ang laban at sisiguruhin ang kaligtasan ng kamahalan."
"Hm." Naging seryoso ang itsura ni Dylan at lumingon para tingnan ang kalmadong si Luo Feng.
"Inatasan ako ng grandmaster na protektahan kay kaya hindi ako maaaring sumablay kahit kalian, nakasisiguro ako rito." Bulong ni Dylan.
…