Umalulong ang malamig na simoy ng hangin sa nagyeyelong daanan, muling umabante si Luo Feng sa bilis na pumapantay sa lightspeed at agad na dumaan sa lamig na umaabot hanggang sa buto ng isang tao.
"Yao!"
"Si!"
Ilang kakaibang ingay ang nabuo sa hangin. Ang iba sa mga ito ay may mataas na frequency na kung saan hindi na niya ito magawa pang marinig, pero nagawa pa rin nitong tumagos sa diwa ni Luo Feng. Paminsan-minsang lumalakas at humihina ang kaakit-akit na ingay na ito, nagfocus nang husto ang mga mata ni Luo Feng habang humahakbang ng paisa-isa, hindi siya naapektuhan ng mga ito.
"Rumble!"
Nang biglang tamaan ang malablade niyang willpower ng isang napakalakas at walang hugis na shockwave, agad siyang napaatras nang dahil dito.
Nanginig nang kaunti ang kanyang katawan, agad ding nagbago ang kanyang itsura.