"Guro?" Tayo ni Luo Feng. Naging mapagpakumbaba ang kanyang pakikitungo. Kasabay nito ang kanyang pabubukas sa screen.
Makikita sa screen ang isang pavilion na nakatayo sa ibabaw ng isang reef, at makikita naman sa ilalim nito si True Yan Emperor habang itinataas ang hawak niyang wineglass. Makikita sa malayong lugar mula sa kanyang likuran ang isang marangya at napakagandang palasyo, at makikitang nakadisplay dito ang dalawang naglalakihang ginintuang salita, "True Yan."
"Mukhang iyan nga ang kanyang shrine sa Thunder Island." Isip ni Luo Feng.
"Luo Feng," nakangiting sigaw ni True Yan mula sa screen.
"Guro." Buong galang namang yumuko si Luo Feng.
"Natanggap mo na siguro ang sulat na ipinadala sa iyo ng Virtual Universe company tama?" Mukhang nagbibiro ang kanyang mga mata. "Gusto mong maabot at makapasok sa primal region hindi ba?"