Sinalinan ni Luo Feng ng tsaa ang kanyang sarili habang nakaupo sa isang upuan. Isang bagay ang pumasok sa kanyang isipan habang dumadaloy ang tsaa papunta sa kanyang tasa. "Tama nga si Babata. Masyado pang malayo ang aking lakas sa lakas ng isang hindi mapapantayang henyo! Magiging mahirap nga para sa akin ang pagpasok sa top 1,000 ng kalawakan!"
"Ang aking husay, kontrol sa aking spirit weapon, karanasan sa pakikipaglaban, amplifier at mental state ay hindi na pangit kung tutuosin. Pero masyado pa rin itong malayo sa tuktok kung ikukumpara sa mga henyong matatagpuan sa buong kalawakan."
"Ang ilan sa mga naglalakasang fighters, gaya ng aking guro o ang Luo na iyon, gumawa sila ng kanya-kanyang lihim na techniques habang papunta sa mga huling bahagi ng kanilang buhay."