"Pushkin!"
"Pushkin!"
Sabik na sumigaw ng magkakaibang pangalan ang mga manonood sa loob ng arena, pinakamalakas sa mga ito ang pagsigaw ng mga manonood sa pangalan ni Pushkin. Makikita sa gitna ng mga manonood na ito ang mga mukhang unggoy na taong sumisigaw sa abot ng kanilang makakaya. Naging malakas at dumadagundong ang kanilang boses. Isang grupo na hindi magagawang makita sa magkabilang dulo sa pamamagitan ng isang tingin ay binubuo ng nasa isang milyong taong unggoy na sumisigaw kasabay ng pagwagayway sa kanilang kamao. Para itong pagcheer na nagmula sa kalangitan. Kung ikukumpara sa isang milyong nilalang mula sa Black Dragon Mountain Empire, ang boses ng mga ito ay mabilis na sumapaw sa mga sigaw ng ibang grupo.
Rumble! Rumble! Rumble! Rumble! Rumble! Rumble!