"Luo Feng." Inayos ni Thunder God ang kanyang lalamunan habang tinitingnan ang cloud contact armor ni Luo Feng. "Gaano na ba kalakas ang cloud contact vine na ito ngayon?"
Tumitig din si Hong sa cloud contact armor ni Luo Feng, mukhang natigilan ito sa napakatinding aura na inilalabas ng cloud contact vine.
"Hindi rin ako sigurado sa sarili ko." Ngiti ni Luo Feng.
"Cloud contact vine " Gumalaw ang isipan ni Luo Feng, agad na nagpakita ang isang baging na may habang umaabot sa 2m mula sa katawan ni Luo Feng, bumagsak ito sa katabi niyang lupa. "I-scan mo para sa akin ang baging na ito Babata." Nakipagusap si Luo Feng kay Babata gamit ang kanyang isipan. Ang cloud contact vine ay isang napakaespesyal na uri ng halaman kaya mahihirapan ang kahit sino na i-scan ang lakas nito.