Sa loob ng napakadilim na listening room, nagawa lang maramdaman ni Luo Feng ang pagblangko ng kanyang isipan, hindi niya magawang marinig ang lahat ng bagay sa kanyang paligid.
"Nabigo kami?"
"Nabigo kami? Nabigo talaga kami? Paano kami nabigo? Paano kami nabigo!" Kinain na si Luo Feng ng napakatinding pagsisisi at sakit, masyado siyang umasa ng husto sa pag-atakeng ito! Nang mabigo ang hydrogen bomb ay nagkaroon na lang ang sangkatauhan ng isang hakbang, ang hayaang makipaglaban sina Hong at Thunder God, ang dalawang pinakamalalakas na fighter sa buong daigdig sa halimaw na iyon.
Pero maging ang isang laban hanggang sa kamatayan ay hindi nagbibigay ng kahit anong kasiguraduhan sa kaligtasan ng sangkatauhan.
At ang B6 grade laser cannon na kanyang nakuha ay isang bagay na mayroong malaking kasiguraduhan. Nasabik ang lahat ng taong nakapuwesto sa tuktok ng sangkatauhan sa laser cannon na ito! Umasa ang lahat sa pag-atakeng ito!
Walang duda!