Mula noong marinig nila ang balita ay hindi na nakabangon pa sa pagdadalamhati ang pamilya ni Luo Feng. Pero para silang mga taong handang malunod para makakuha ng isang bagay sa paniniwalang buhay pa si Luo Feng dahil hindi pa nila ito nakukumpirma! Kaya hindi mapakali nila itong hinintay. Hindi rin nila magawang sabihan ang girlfriend ni Luo Feng na si Xu Xin tungkol sa balitang ito.
Araw-araw na lumipas ang bawat oras. Walang kahit anong dingding ang may kakayahang pigilan ang lahat ng hangin. Dahil si Xu Xin ay parte ni Xu Family ay napapagtanto na rin nito kung ano ang nangyari matapos mawala si Luo Feng ng limang buwan. Hindi mapakali niyang tinanong ang mga magulang nito, ang tanging sinabi ng mga ito sa kanya ay ang katotohanan….
Kahit na napakalungkot nilang lahat ay wala na silang ibang magawa kundi maghintay!
Hindi sila titigil hangga't wala silang natatanggap na kumpirmasyon kay Luo Feng
...