"Elite tunnel huh…" Sa pamamagitan ng isang isip mula kay Luo Feng ay agad na naglabasan ang 365 na piraso na hugis blade sa isang crack na ginawa ni Luo Feng sa kanyang backpack at mabilis na bumuo ang mga ito ng Soaring Shuttle.
Tumalon si Luo Feng at tumungtong sa Soaring Shuttle. Bumilis at lumiksi ng husto si Luo Feng nang makasakay siya sa kanyang Soaring Shuttle.
"Tara!"
Whoosh!
Sa bilis na pumapantay sa isang kotse ay mabilis siyang lumipad papasok sa itim na tunnel. Talagang napakadilim sa loob ng itim na tunnel na ito. Matapos lumipad ng 500 meters ay nakakita si Luo Feng ng iilang bagong daanan sa kalsadang nililiparan niya.
"Siyam na daan? Isang maze?" simangot ni Luo Feng. Ayon sa sinabi ng royal guard na si Allure, ang archaeological ruin #9 ay gumagamit ng disqualification type ng pagsasanay kaya mayroon itong iba't ibang uri ng pagsasanay.