Nakinig ng maigi si Luo Feng at walang duda na nakarinig ng isang dumadagundong na ingay.
"Mukhang galing iyon sa mga miyembro ng Paulinus family na lumapag sa lupa matapos tumalon sa eroplanong iyon," assume ni Luo Feng. Kasabay nito ay agad niyang pinaiksi ang radius ng nakakalat niyang spiritual force sa paligid mula sa 100 meters papunta sa 30 meter radius. Kayang maramdaman ng malalakas na fighters ang spiritual force na tumatama sa kanila.
Nang biglang—
Nakarinig si Luo Feng ng isang maghinang pag-uusap mula sa mga taong nanggagaling sa isang malayong lugar na natatakpan ng makapal na hamog.
"Nasa harap natin ang siyam na willow trees na may spirits of nature Catalan," Sabi ng boses na nanggagaling kay Li Yao sa salitang Ingles.
"Hindi naman gaanong kalakasan ang mga spirits of nature Li Yao, kaya paanong hindi mo ito kinaya?" sabi ng isang katakot-takot na boses.
Habang naglalakad ay bigla silang lumabas sa makapal na hamog na iyon.