"Ano pang tinitingin-tingin mo sa cellphone mo?" ngiti ni Zhao Ruo habang naglalakad papalapit kay Luo Feng. Maging ang iba pang estudyante mula sa China ay nagsilapit sa kanya.
"Oh, tinitingnan ko lang ang notification ng balance change sa aking bank account," sagot ni Luo Feng.
Lalong sumama ang mukha ni William matapos niyang marinig ang sinabing ito ni Luo Feng.
"Balance change? Hehehe, kapapasok mo pa lang sa training camp pero kumita ka na agad ng 5 billion, napakadalang ng mga ganitong pangyayari sa loob ng training camp. Mukhang mas maigi kung ililibre mo kaming lahat sa pinakamagandang kainan dito sa training camp," sabi ni Zhao Ruo. Matapos nito ay isa-isa ring nag-usap ang iba pang estudyante mula sa China.
"Siyempre naman!" pabirong tiningnan ni Luo Feng si Zhao Ruo bago nitong sabihin na, "Hindi ba't sinabi mo na ipagluluto mo ako sa oras na maipanalo ko ang laban na ito senior?"
"Uh….. ano….." kamot ni Zhao Ruo sa kanyang ulo.