下載應用程式
4.94% Swallowed Star (Tagalog) / Chapter 55: Ang Paghahatihati ng Kinita

章節 55: Ang Paghahatihati ng Kinita

編輯: LiberReverieGroup

Nakaagaw-pansin sa mga ilang fighters na nasa loob ng resupplying base ang sigawan at ang tunog ng pito.

"Oi, iyan yung Fire Hammer Squad, kaharap nila yung mga ilang miyembro ng Tiger Fang Squad."

"Anong pinagaawayan nila?" nag-usap-usap ang mga fighters. Kilalang kilala ang Tiger Fang Squad at ang Fire Hammer Squad sa buong Jiang-Nan City. At dahil sa mga utos na galing sa mga guwardiya sa base ay napilitan ang Fire Hammer Squad na kumalma dahil walang sinuman ang pinahihintulutang hamunin ang awtoridad ng militar.

"Tumigil kayo!" may narinig silang agresibong sigaw. Lumingon si Luo Feng at nakita niya ang isang napakapayat na lalaki kasama ang dalawa pangmiyembro ng Tiger Fang Squad.

Lumapit si Chen Gu kay Luo Feng at binulong na, "Ito ang captain ng Tiger Fang Squad na si 'Pan Ya'. Kilala siya sa palaayaw na 'Tiger Fang' at gumagamit siya ng isang saber bilang sandata sa panghuhuli ng mga halimaw. Kailangan mo munang magdalawang-isip bago ayawin ang taong ito." Di mapigilan ni Luo Feng na magulat sa kanyang narinig dahil ang isang napakapayat na lalaking mukhang hindi marunong makipaglaban ay ang captain pala ng Tiger Fang Squad!

"Tiger Fang?" tiningnan ni Luo Feng nang maigi ang taong tinatawag na 'Tiger Fang'. Matapos nito ay tiningnan niya naman ang kaaway niyang si Zhang Ze Hu na nasa likuran ng kanilang captain. Noong makita ni Zhang Ze Hu ang pagtingin ni Luo Feng sa kanya ay bigla itong napangiti. Matapos nito ay nanlalamig na tumawa si Luo Feng at sinabing, "Ipagpatuloy mo ang pagiging arogante mo Zhang Ze Hu! Hindi lang ikaw ang mananagot sa akin, kundi pati na rin ang buong Tiger Fang Squad mo! Tandaan mo itong mga sinabi ko sa iyo ngayon!"

Bago pa siya pumasok ng Forsaken Land ay inakala niya na napakalupit na ng ginawa ni Zhang Hao Bai na pagtatangkang baliin ang kanyang braso at binti.

Pero kung titingnan niya ang kasalukuyang sitwasyon niya sa ngayon…..

Hindi naman ganoon kabigat ang nararamdamang galit ng Tiger Fang Squad sa kanya pero tinangka na nitong tapusin ang kanyang buong squad at kumilos na parang walang nangyari. Di talaga maikukumpara ang nagawa ni Zhang Hao Bai sa nagawa ng Tiger Fang Squad sa kanya.

"Captain!"

"Captain!"

Tumayo si Zhang Ze Hu kasama ang dalawa pa niyang kasama sa likuran ng kanilang captain. Napaligiran sila ng napakaraming tao na umuusyoso sa nagaganap sa pagitan ng Tiger Fang Squad at Fire Hammer Squad. Ilang sandali pa ay nanlalamig na sinabi sa kanila ng kapitan ng mga guwardiya na "Wala akong pakialam sa pinagtatalunan niyong dalawa Gao Feng at Pan Ya. Pero huwag niyo akong masisisi kung may isa man sa inyong gumawa ng gulo rito. Tara na mga kapatid!"

Ikinaway ng kapitan ang kanyang kamay dahil wala rin itong ganang panoorin ang away ng dalawang fighter squad. Matapos ng kanyang babala ay nakasisiguro siyang hindi na gagawa ng kahit na anong gulo ang kahit na sinong miyembro ng mga fighter squads na kasali sa pagtatalong ito.

"Tiger Fang!"

Nanlalamig na tumawa si Gao Feng at sinabing, "Masyado ko atang namaliit ang kalupitan ng squad niyo. Hindi ko akalaing makakagawa kayo ng ganoong katinding bagay sa mga kapwa niyo fighters! Noong una ay palihim niyo kaming binaril gamit ang inyong mga sniper rifle at matapos noon ay binaril niyo naman ang mga nagpapahingnang halimaw malapit sa amin para mapaligiran at maubos kami ng tuluyan. Kung hindi kami natulungan ng isang napakalakas na nilalang ay malamang wala na kaming lahat ngayon dito!"

Agad na nag-ingay ang mga fighters na nanonood sa kanila nang marinig nila ang sinabi ni Gao Feng.

Napakalupit talaga nga ng Tiger Fang Squad.

"Huwag ka ngang gumawa ng kuwento diyan Gao Feng," tumawa ang captain ng Tiger Fang Squad, "Wala pa kaming nagagawang ganyan kaya huwag mo kaming sisihin sa kung ano mang nangyari sa inyo!" Kahit na anong mangyari ay hindi nila puwedeng aminin na ginawa nila ito. Kung inamin nila ito ay siguradong masasama sa malaking problema ang kanyang Tiger Fang Squad.

"Tinamaan ang braso ng kapatid ko ng bala mula sa isang sniper rifle niyo!" sambit ni Gao Feng habang makikita sa kanyang itsura kung gaanong kadilim ang kanilang pinagdaanan.

"Kapag sinabi kong hindi namin iyon ginawa ay talagang hindi namin iyon ginawa," nanlalamig na sinabi ng captain ng Tiger Fang Squad "Kung mayroon kang ebidensiya ay dalhin mo sa security agency para sila ang magpasya sa pangyayaring ito! Tigilan mo nga ako sa mga walang kabuluhang bagay na pinagsasabi mo. Tara na mga kapatid!" Napakadirektang sinabi iyon ng captain ng Tiger Fang Squad at malinaw sa lahat na hindi niya gustong makipagusap pa ng husto sa Fire Hammer Squad.

Napakasama ng mga mukha nila Gao Feng, Chen Gu at ng iba pa nang umalis ang Tiger Fang Squad. Maging si Luo Feng ay nagngitngit sa sobrang galit.

Pero malinaw para kay Luo Feng na walang kahit anong ebidensiya ang Fire Hammer Squad para mapatunayan na ginawa iyon sa kanila ng Tiger Fang Squad. Kahit na napakaraming kaso na ng mga fighters na nagpapatayan dahil sa agawan sa mga napapatay nilang halimaw ay wala silang maipakita na ebidensiya kaya hindi rin sila natutulungan ng Dojo of Limits.

"Hmph, tara na!" utos ni Gao Feng habang nanlalamig niyang pinapanood ang pag-alis ng Tiger Fang Squad.

Ang tanging nagawa na lang ng mga taga Fire Hammer Squad ay pigilan ang kanilang galit habang paalis sa lugar kung saan sila nakaharap ang Tiger Fang Squad.

Ang #A9 villa ay ang magiging pahingahan ng Fire Hammer Squad sa loob ng resupply base hanggang sa kanilang pag-alis dito.

"Hindi mo na kailangang magalit ngayon captain," sinabi ni Luo Feng, "Hindi natin hahayaang palampasin ng ganoon ganoon lang ang nagawa ng Tiger Fang Squad. Hayaan na muna natin sila sa ngayon pero hindi pa huli ang lahat para sa atin na pagbayarin ang mga iyon sa loob ng Forsaken Land…." Ang sinabi ni Luo Feng ang nakapagpangiti sa iba pang miyembro ng Fire Hammer Squad.

Matapos nito ay tinapik tapik ni Chen Gu ang balikat ni Luo Feng at sinabing, "Oo Luo Feng, hangga't nandirito ka sa amin ay hinding hindi tayo mahihirapang tapusin ang mga hayop na iyon."

"Kahit ang sampung taon ay hindi pa huli para sa isang gentleman para maghiganti," nakangiti na tawa ni Gao Feng, "Pero hindi na natin kailangan pang maghintay ng ganoong katagal dahil hangga't naririto sa atin si Luo Feng ay sinisiguro kong matatapos natin ang Tiger Fang Squad na iyon ano mang oras natin gustuhin." Sa mga oras na ito ay nakangiti ang lahat ng miyembro ng Fire Hammer Squad, at pati na rin si Zhang Ke ay napabuntong-hininga sa saya. Lahat ng spirit readers ay may mga sariling panahon ng mabilisang paglakas.

Sadyang katakot-takot na nga ang kakayahan ni Luo Feng sa ngayon, at patuloy pa itong lumalakas habang lumilipas ang panahon!

Puwede na nating sabihin na... wala nang anumang pag-asa ang Tiger Fang Squad laban sa kanila!

"Kalimutan na muna natin ang mga hayop na iyon at magfocus na muna tayo sa kikitain natin sa panghuhuli ng mga halimaw," iniba ni Gao Feng ang paksa ng pinaguusapan nila, "Kahit na hindi tayo nagtagal sa labas ng city ay nakahuli na agad tayo ng apat na commander level monsters: isang bloodthirsty tank, isang two tailed ocelot, isang lion mastiff, at isang hunter!"

Noong pabalik na sila sa resupplying base ay may nakaengkwentro sila na isang low level commander lion mastiff. At sa pamamagitan ng pinagsamang lakas ni Luo Feng at Gao Feng ay madali nila itong napatay.

"Pero hindi ganoong kalaki ang resupplying base na ito kaya magiging kapansin-pansin para sa atin kung susubukan nating ibenta rito ang mga materials na nakuha natin sa napatay nating hunter. At ang masama pa rito ay baka mapansin tayo ng fighter squad na sumugat sa silver moon wolf," pinaalala ito ni Gao Feng sa ibang miyembro.

"Tama ka nga diyan."

Tumango si Chen Gu bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Gao Feng, "Hintayin natin munang makabalik sa city para doon natin ibenta ang mga materyales ng hunter. Pero dito na natin ibenta yung mga materyales na nakuha natin sa mga ibang halimaw." Hindi ganoon kahalaga ang mga soldier level na halimaw para sa mga fighter squads. Ang mahahalaga sa kanila ay ang mga commander level na halimaw….. lalo na ang mga horde level na halimaw na mayroong napakalaking halaga.

Para naman sa napakadalang na high level commander na silver moon wolf, ito ay ang tinaguriang hari ng mga wolves kaya siguradong katumbas ng halaga nito ang halaga ng isang low level horde leader na sa pangalan pa lang ay may malaki nang halaga!

"Kumain na muna kayo at magpahinga, mamaya na natin ibenta ang mga ito," napangiti si Gao Feng.

Matapos nila kumain ay nakita ng anim na miyembro ng Fire Hammer Squad ang kinatawan mula sa HR Alliance na pinagbentahan nila ng mga materyales mula sa mga napatay nilang halimaw. Binenta nila ang lahat maliban sa mga materyales na nanggaling sa silver moon wolf.

Nang nakabalik na sila sa A9 villa ay agad silang nagkumpulan sa paligid ng isang computer para paghatihatian ang kanilang kinita sa panghuhuling iyon.

"Maraming nahuling mga soldier level na halimaw si Luo Feng, kahit na nasa G o F level man iyan. Kung susukatin, ang bawat isa sa mga ito ay nagkakahalaga ng 6 thousand. Sa madaling salita ay kumita si Luo Feng ng 120 thousand mula sa panghuhuli ng mga soldier level na halimaw" pinaghatihati ng kanilang captain ang kanilang mga nahuli, "Si Wei Tie naman ay nakakuha ng mga materyales mula sa 12 soldier level na halimaw. Ang lahat ng ito ay nasa F level na kaya kung susukatin, nagkakahalaga ang bawat isa sa mga ito ng 8 thousand. Kung susumahin ay kumita ka ng 100 thousand sa panghuhuli mo ng mga soldier level na halimaw."

"Ang dami ng mga materyales na nakuha ni Wei Qing sa panghuhuli ng mga soldier level na halimaw…."

"Nakakolekta si Zhang Ke ng mga materyales mula sa 11 na magkakaibang soldier level na halimaw…."

"Ngayon ay paghahatihatiin naman natin ang kinita mula sa mga commander level na halimaw. Ang lahat ng materyales mula sa twin tailed ocelot ay nagkakahalaga ng 12 million," tumingin si Gao Feng sa iba pang miyembro ng squad, "Ako ang gumawa ng karamihan sa trabaho kung wala lang aksidenteng nangyari habang ginagawa natin ito, kung nagkataon ay makukuha ko ang 60% sa kabuohang kinita natin mula rito pero… matapos nating mapatay ito ay hinabol tayo ng napakaraming halimaw kung saan iniligtas tayo ng napakalakas na si Luo Feng! Pero nagkaroon ng matinding sugat si Zhang Ke na kung saan ay hindi na siyang muli makakabalik sa panghuhuli ng mga halimaw. Dahil dito ay matatanggap niya ang 60% sa kabuohang kinita sa materyales ng halimaw na iyon. Makakuha ako ng 10%, si Luo Feng naman ay makakakuha ng15% at si Wei Tie at ang iba pa ay makakuha ng 5%!"

"Wala namang reklamo yung iba?" tinanong ni Gao Feng.

"Walang reklamo," tumango si Luo Feng.

Isang batas sa mga fighter squads na kapag naparalisa ang isa sa kanilang mga miyembro, siya ay makakakuha ng 60% ng kinita mula sa labang iyon. Kinukunsidera ito bilang 'subsidiya' sa nangyaring iyon sa kanya.

"Kaya sa 12 million na kinita mula rito, 7.2 million ang mapupunta kay Zhang Ke, 1.8 million naman kay Luo Feng, ako naman ay makakakuha ng 1.2 million at ang iba ay makakakuha ng 600 thousand kada isa," inilagay ni Gao Feng ang mga numero sa computer, "Ang lion mastiff tiger na naengkwentro natin pauwi ay nagkakahalaga ng 10 million. Ang lahat ay nagkaroon ng ambag sa labang iyon kaya kami ni Luo Feng ay makakakuha ng 30% mula sa kinita. Ang mga iba naman ay makakakuha ng 10% kada isa. Wala namang reklamo yung iba?"

Tumango ang lahat.

Sa totoo lang ay walang naiambag si Zhang Ke sa labang iyon, pero ginawa nila iyon dahil gusto nilang bigyan ng pera si Zhang Ke. Wala namang sinabi si Zhang Ke tungkol dito….. dahil ang isang fighter squad ay sobrang maawain sa kanilang miyembro.

"Si Luo Feng at ako ay makakakuha ng 3 million habang ang iba naman ay makakakuha ng tig 1 million."

Ngumiti ng bahagya si Gao Feng, "Ang bloodthirsty tank ang may pinakamalaking halaga sa lahat ng ating nahuli. Ang kabuohang halaga nito ay umabot sa 16 million. Nagawa ni Chen Gu ang pinakamalaking ambag sa trabaho nang mapatay niya ito ng one hit kaya makakakuha siya ng 60%! May naiambag naman ang iba pang miyembro kaya makakakuha sina Luo Feng, Wei Tie, Wei Qing at Zhang Ke ng 10% mula sa kabuohang kinita. Huwag niyo na akong isali." Natural na si Gao Feng ang pinakamayamang miyembro sa kanilang fighter squad.

Pangkaraniwan na ginagawa ni Gao Feng ang karamihan sa mga trabaho sa panghuhuli ng mga commander level na halimaw. Kaya umaabot sa 10 beses na mas mataas ang kinita nito kaysa sa iba pang miyembro sa tinagal tagal ng fighter squad niyang ito.

Kaya nagiging mapagbigay ng husto si Gao Feng kung hindi siya nasasabak sa kahit na anong laban sa panghuhuli ng halimaw na iyon.

"Sa madaling salita, makakakuha si Chen Gu ng 9.6 million habang si Zhang Ke, Luo Feng, Wei Qing at Wei Tie naman ay makakakuha ng 1.6 million kada isa."

"Sa kabuohan..."

"Kumita si Chen Gu ng 11.26 million, si Luo Feng naman ay kumita ng 6.52 million, at ako naman ay kumita ng 4.2 million. Si Zhang Ke naman ay kumita ng 9.91 million, Si Wei Tie ay kumita ng 3.3 million at si Wei Qing naman ay kumita ng 3.32 million," sinabi ni Gao Feng ang kabuohang makukuha ng bawat isa at tumawa, "Siyempre ay hindi pa natin naibebenta ang pinakatatago nating kayamanan, ang mga materyales mula sa silver moon wolf na magbibigay sa atin ng napakalaking pera!"


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C55
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄