下載應用程式
97.41% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 716: Dragon Thief

章節 716: Dragon Thief

編輯: LiberReverieGroup

Ang Astral Sea ay isang mystical plane.

Ito ang pinakamataas na plane sa buong Universe, nasa tutok ito ng World Tree.

Sa katunayan, ang lugar na ito ay dating maliit lang.

Ang mga Ancient God at mga Ancient Angel ay nakatira sa tuktok ng World Tree. Tanaw nila ang lahat ng mga plane at sinisiguradong ligtas ang mundong ito.

Kalaunan, karamihan ng mga Ancient God ay namatay dahil sa hindi matapos na mga digmaan.

Hindi nagtagal, kahit ang iilang natira sa tuktok ng World Tree ay inaalala na lang ang mga God o mga Human na kasama nilang lumaban.

Kasama na dito si Lance.

Sinasabi na ang Fisrt High Elven Ruler ay dating inimbitahan ni Lance sa tuktok ng World Tree at nakakuha ng ilang lihim na Law na itinuro sa kanya.

Magmula noon, kumalat na sa buong Feinan na alam ng mga Hihg Elf kung paano umakyat ng World Tree.

At maging totoo man ito o hindi , ang mga High Elf ay ang race na pinakamalapit sa mga Ancient God.

Sa 3d Era, ginawa ni Lance ang Fate Tablet at sinindahan ang ilaw ng digmaan sa Fienan.

Personal niyang tinipon ang mga New God at nagbukas ng panibagong mundo sa tuktok ng Wold Tree.

Tinawag niya ang mundong ito na tila isang beehive na ito na God Realms.

Ang istruktura ng God Realm ay kumplikado at iba-iba. Ang ilan sa mga pumapasok sa lugar na iyon ay madidiskubre na lang na namamaluktot ang kanilang katawan, o minsan naman ay nanghihina…

Ito ay dahil sa mga batas na ginagawa ng bawat isang God, mahigpit ang herirkiya.

Kung walang Divine Vessel para kalabanin ang mga Law, agad na mamamatay ang isang taong papasok sa lugar na ito.

Ito ay parang banal na kalupaan ng mga God.

Ang kapangyarihan ng Divine Vessel ang nagdedesiyon ng posisyon n isang God sa isang God Realm.

Pakiramdam ni Marvin at Tiramisu ay pumasok sila sa isang misteryosong mundo nang makalusot sila sa lagusan.

Walang direksyon ito at ang lahat ng kanilang paggalaw ay umaasa sa kanilang willpower.

Mabuti na lang at mayroong siyang False Divine Vessel, kung hindi ay madudurog siya pagpasok niya sa God Realms.

"Anong dapat nating gawin?" Tanong ng Dragon.

Dahil sa isang makapangyarihang nilalang gay ani Tiramisu, hindi makakatiis si Marvin na gamitin ang lakas nito.

Tumawa ito, "May mga ilang God sa God Realm na hindi ko kasundo. Paano kung nakawin natin ang mga kagamitan nila?"

"Nabalitaan kong ilang taon nang nagiipon ng mga kayamanan ang mga God na ito kaya siguradong mayaman ang mga ito."

Kuminang ang mata ni Tiramisu nang marinig niya ito at agad itong Tumango, "Magnakaw!"

"Kailangan natin magnakaw!"

"Saan tayo magsisimula?"

Ginamit ni Marvin ang kanyang advanced False Divine Vessel para mahanap ang pinakamalapit na God Realm.

Hindi nagtagal ay binuksan nito ang kanyang mata at may itinuro, "Mayroon akong kakilala doon. Masasabi mong may relasyon siya sayo…"

"Siya ang una nating pupunteryahin!"

"Ang Black Dragon God!"

Sa tuktok ng World Tree, ang War God pati na ang God of Dawn and Protection na si Anuba Grant ay nakaupo, kasama ang dalawa pang babaeng God. Mahinahon na nagpupulong ang mga ito.

"Kaming mga Ancient God ay hindi mangingielam tungkol sa Fate Tablet. Hindi ba sinabi ko na 'yan?"

Nakasimangot ang Moon Goddess Faniya sa dalawang Great Gods.

Nakaupo ito sa harap ng isang maliit na babae. Sa likod ng babae ay isang Paladin na seryoso ang mukha.

Ayaw tingnan ng Truth Goddes ang dalawang ito.

Sa harap ng dalawang Ancient Goddess, mabuti ang pag-uugaling ipinapakita ni Anuba Grant, "Nauunawaan ko ang gusto mong sabihin, pero nagbago na ang lahat."

"Masyadong bugnutin ang Plane Will ng Feinan, ang Ancient Nature God ay natutulog pa rin, ibig sabihin, bukod sa inyong dalawa ay wala nang makakapigil ditto."

Nagkibit-balikat lang ang Truth Goddes, "Hindi ba dahil 'yon sa Fate Tablet? Nilabag ni Lance ang kasunduan, hindi ba normal lang na maglit ang Plane Will?"

"Walang makaka-alam ng tunay na intensyon ni God Lance." Mahinahong sabi ni Anuba, "Siguradong mayroong mali sa magkabilang panig, pero noon pa man ay nararamadaman ko nang mayroong kulang."

"Ang Evil Spirit Sea." Direktang sabi ng War God, "Nagtulong-tulong kaming tatlo dati para galugarin ang Primal Chaotic Franger at nakakita kami ng mga bakas na iniwan ni Lance. Nahulaan niya ang tungkol sa pagdating ng Great Calamity. At kaya lang naman naming pinangunahan ang pag-atae sa Universe Magic Pool ay para maunahan ang mga Demon at mga Devil, pati na ang mga nagtatago sa dilim. Ang mga nagtatago sa Evil Spirit Sea, kalaunan ay lalamunin nila ang buong Universe."

Sumagot ang Truth Goddes, "Hindi ko alam kung talagang nakahanap kayo ng bakas ni Lance, pero gusto ko talaga siyang tanungin kung bakit niya ako sinet-up."

"Mahirap para sa akin ang maniwala sa isang nilalang ng gumawa ng ganoong kasamaan. Nang bumagsak ang Wisdom God, nagduda na ako. Pero hindi ko inakala na mahuhulog ako sa patibong ni Lance pagkatapos kong magsiyasat nang kaunti…"

"Molly, wag na nating pag-usapan 'yan." Pinakalma ng Moon Goddes Faniya ang galit ng Truth Goddess at mahinahong sinabing, "Sinumpa ka ni God Lance pero hindi ka niya pinatay."

"Hmpf." Sumimangot ang Truth Goddess at nanatili na lang itong tahimik.

"Gayunpaman, kung may magagawa lang kaming dalawa, hindi naman kami lalapit sa inyong dalawa."

Sabi ni Anuba Grant, "Ang Fate Tablet ay nasa kamay na ngayon ng isang mortal. Kaya pa naming itong tiisin pero kailangan pakalmahin ang Plane Will, kung hindi, hindi tayo makakapag-descend sa Feinan!"

Tahimik na bumuntong hininga ang Moon Goddess, "Pasensya na pero hindi ko kayo matutulungan sa bagay na 'yan."

 "Matagal nang naputol ang komunikasyon ko sa Plane Will ng Feinan. Kung gusto niyo talaga pigilan 'to, kailangan niyong makahanap ng kumakatawan dito."

Nagkatinginan sina Anubis at Anuba, walang magawa.

Mapait na sinabi ni Anuba Grant, "Nakahanap naman ako ng isa… Pero pinatay ni Marvin ang batang 'yon."

"Ang Valkyrie Inheritor?" Kumurap ang mata ng Truth Goddess, "Mukhang mayroong siyang galit kay Marvin. Ang Valkyrie Inheritor ay mayroong magandang relasyon sa Plane Will ng Feinan."

"Parami nang parami ang mga bagay na hindi maipaliwanag"

Bumuntong hininga si Anuba Grant, "Dahil hindi niyo magagawa pareho, mauuna na kami."

Pero noong oras na iyon, isang loro ang biglang lumipad palabas ng God Realms.

Mataba ito pero maliksi ang pagkilos nito.

Sumisigaw ito habang lumilipad, "Master! Masama ito!"

"Mayroong Dragon Thief sa God Realms!"

"Malaking halaga na ng Divine Source at Artifacts mula sa labing-pitong God Realms ang nakuha nito."

Dragon Thief!?

Nagulat ang apat na God, agad naman nagbago ang mukha ng War God, makikita ang galit sa reaksyon nito.

"Ang lakas ng loob nilang apakan ang pagkaprestihiyoso ng God Realms!"

"Gamitin mo ang World Tree Imprint para masarado ang God Realms!" Malalim na sabi ni Anuba Grant.

"Gusto kong makita kung ano ang gagawin ng Dragon Thief na 'yon!"

Matapos itong sabihin, naghanda nang umalis ang dalawang Great God.

Pero hindi nila inakalang biglang tatayo ang Truth Goddess.

"Sasama ako sa inyo."


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C716
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄