下載應用程式
96.19% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 707: Eternal Night Kingdom

章節 707: Eternal Night Kingdom

編輯: LiberReverieGroup

Ang Absolute Sanctuary ay tatagal ng 7 araw, at mayroong na lang 3 araw si Marvin.

Kailangan niyang personal na harapin ang bagay na ito, kailangan niyang solusyonan ang digmaan na ito.

At ang tanging paraan para gawin ito ay umalis siya.

Hindi niya sigurado kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Sunod-sunod na aatake ang mga kalaban ni Marvin at kailngan niya itong harapin nang mag-isa, pero hindi naman si Marvin ang tipo ng tao na basta na lang tatalon sa kanyang sarili kamatayan.

Napag-isipan na niya ang plano na ito.

Para lang mailigtas siya, napunta na si Wayne sa isang Half-Comatose na kalagayan. Kaya hindi na niya ito aabalahin pa.

Hindi naman mawawala ang banta ng World Ending Twin Snakes, at iisa lang naman ang pakay ng mga ito. Hindi ang White River Valley, kundi si Marvin.

Kaya naman, kung aalis siya at malalaman ito ng lahat, marahil magiging maayos naman ang kalagayan ng White River Valley pansamantala.

Pero syempre, hindi rin nito matitiyak ang kapayapaan. Kapag sapat na oras na ang lumipas at makaag-descend na ang mga God, siguradong may isa sa mga ito ang magnanasa sa kalupaang ito.

At dahil dito, hindi balak mawala ni Marvin nang matagal.

Mayroon siyang plano.

"Palihim na nagpunta ang Three Sisters ng Rocky Mountain noong nakaraan…'yon ba ang dahilan ng pagpunta nila?" Binanggit ni Lola ang napansin niya. "Mukhang alalang-alala sila noong umalis sila."

Ngumiti lang si Marvin at tumango.

Kailangan niya pa rin itago ang detalye nito, pero hindi niya ito kailangan ilihim kay Lola.

Una, hindi siya kalaban, ikalawa, hindi sapat ang kaalaman niya tungkol sa mga powerhouse, at pangatlo, hindi naman siya pipigilan nito tulad ni Anna.

Bumisita ang grupo ng Rocky Mountain sa White River Valley, habang aktibo ang Absolute Sanctuary, ilang araw na ang nakakalipas.

Noong panahon na ito, pumirma ng kasundo ang parehong panig, magkasama silang aatake at dedepensa.

Alam nila pareho na ang alyansang ito ay binuo para sa paparating na Gods' Descent pati na sa iba pang mga bagay.

Noong oras na iyon, pribadong kinausap ni Marvin si Lorie para humingi ng tulong tungkol sa isang bagay.

Hindi tulad ni Eve, hindi naniniwala ang Thre Fate Sisters na si Marvin ang nakatakdang maging Destroyer.

Sa pananaw ni Jessica, imposibleng maging si Marvin ito, dahil sa kinilala siya ng Plane Will. Kahit pa si Lance ang nagdala sa kanya sa mundong ito, imposibleng maging siya ang maging Destroyer.

Hindi na ito mahalaga.

Dahil sa dami ng kanilang pinagsamahan, bilang magkaibigan, pinili nilang magtiwala sa isa't isa.

Ikinagalak naman ito ni Marvin.

Dahil kahit na pinupunterya siya ng buong mundo, laging mayroong mga taong nasa kanyang likuran.

At ito ang kanyang mga kaibigan.

Sina Jessica, Kate, at Lorie ang magagandang halimbawa ng mga ito.

Hinanap ni Marvin si Lorie, umaasa siyang matutulungan siya ng Wisdom Ability nito para hanapin kung nasaan ang mga natitirang pahina ng Book of Nalu!

Ang mga pahinang nakakalat sa buong Feinan ay nakuha n ani Marvin, at ang mga natitira pa ay siguradong sa ibang lugar na matatagpuan.

Sa sitwasyon na ito, para mahanap ang mga parte ng Artifact ng God of Deception, maaaring kahit ang Divination ng isa sa tatlong Great God ay hindi gumana.

Mas angkop ang kapangyarihan ng Fate Sorceress dahil sa sa Plane sila mismo nanggaling.

Sinabi niya ang lahat ng tungkol sa nalalaman niya sa 4th Tablet sa tatlong Fate Sorceress.

Hindi naman nila binigo si Marvin.

Kahit na ang nakatamo ng pinsala si Lorie noon dahil sa paglilipat ng Fate power, bilang isang Chosen, pambihira ang kanyang kakayahan. At sa loob lang ng maikling panahon, nagawa niyang mabawi ang malaking bahagi ng kapangyarihang nawala sa kanya.

Sa tulong ng Fortune Fairy na si Ding, ginamit ni Lorie ang isang Greater Tracking spell at nahanap ang eksaktong lokasyon ng tatlong natitirang pahina ng Book of Nalu.

Tungkol naman sa huling pahina, noong una ay nahanap na ito ni Lorie. Pero habang tinutunton niya ito, naramdaman niyang mayroong nakatingin sa kanya.

Noong hinahanap niya ang lokasyon ng huling pahina, naputol ang kanyang spell, at ang tanging nakuha niyang impormasyon ay nasa isang lower plane ang huling pahina ng Book of Nalu.

Ang Negative Energy Plane!

Masyadong mabigat ang lugar na iyon para kay Marvin.

Tulad ng nasa pangalan nito, ang Negative Energy Plane ay puno ng Negative Energy. Karamihan ng mga tao ay hindi kakayaning manatili doon nang matagal. Marami ring kalaban ang matatagpuan doon. Mortal na kaaway na ang tingin ng Evil Spirit Overlord ng isang Sub-Plane na si Tidomas Marvin, at hawak pa nito ang bahagi ng Divine Source nito! Kung gustong magpunta ni Marvin sa Negative Enegy Plane, mas malaki ang panganib na haharapin niya kesa sa pagpunta niya sa Hell o sa Abyss!

Sa kasamaang palad, wala nang ibang paraan.

Kung gusto niya ang susi na makakapagbukas ng 4th Fate Table, kailangan itong gawin ni Marvin.

Kung hindi, magdudulot ng walang hanggang labanan ang Fate Tablet na ito. Maraming tao ang mamamatay, kasama na ditto si Marvin!

Sa katunayan, matapos makuha ang impormasyon na ito, nagsimula nang maramdaman ni Marvin na tama ang sinabi ng Truth Goddess.

Kung hindi si Lance ang gustong sumira sa mundong ito, bakit pa niya gagawin ang Fate Tablet na ito na magdudulot ng Era ng walang hanggang patayan.

Ang kanyang pag-Transmigrate, ang Great Calamity, ang agos ng pag-asced ng mga God noong 3rd Era… Tila pinangsiwaan ni Lance ang lahat ng mga ito.

Dahil sa impormasyon na ito, nahihirapan si Marvin na paniwalaan ang Book of Nalu.

Walang nakakaalam kung isa lang bai tong palabas ni Lance at ng God of Deception na nagpapanggap na God of Wisdom para guluhin ang isipan ng mga kasunod na henerasyon.

Pero naniniwala si Marvin na sa mga kaganapan ngayon, hindi nasusunod ang plano ni Lance.

Hindi niya siguro inasahan na mabilis makokolekta ni Marvin ang mga pahina ng Book of Nalu. Dahil sa pinagsamang karanasan at swerte, hawak na ni Marvin ang pitong pahina ng Book of Nalu!

Kung magagawa pa niyang mahanap ang apat pang natitirang pahina sa loob ng isang buwan, magagawa na niyang buksan ang 4th Fate Talet at makukuha na niya ang kaalaman at pang-unawa sa mga Law na nasa loob nito.

Kapag nangyari iyon, sa pamamagitan ng pagsanib nito sa kanyang misteryosong False Divine Vessel, hindi na mapapantayan ang kanyang lakas!

At lalo pang nabawasan ang kanyang mga pagpipilian dahil sa mga kaganapan.

Lalo pa at dahil sa deklarasyon ni Eve, walang magagawa si Marvin kundi kalabanin ito, at nakatuon pa ngayon ang atensyon sa kanya ng lahat ng powerhouse sa mundo dahil nakuha niya ang Fate Tablet.

Kaya wala siyang magagawa kundi umalis.

Pero nagawa naman matunton ni Lorie ang eksaktong lokasyon ng tatlo pang pahina. Ang isa ay nasa Collapsed Earth ng Elemental Plane of Earth, ang isa pa ay ika-17 na layer ng Evil Street sa Abyss, at ang ikatlo ay nasa Tribal Temple sa Starry Sky.

Ang masama lang dito ay dahil nga mayroong humarang sa Greater Tracking ni Lorie, malalaman ng iba na naghahanap ng impormasyon si Marvin tungkol sa mga pahina.

Kaya siguradong maghihintay ng pagkakataon ang kanyang mga kalaban.

At kapag dumating ang panahon na iyon, kahit sino pa ang kanyang makaharap, imposible maka-iwas ito sa matinding laban.

Pero kampante naman si Marvin sa kanyang mga kakayahan kahit na laging mayroong posibilidad na mayroong mangyaring hindi inaasahan.

Bukod sa nagiging pamilyar na siya sa Sodom's Blades, nakakuha pa siya ng isang pang Artifact!

Ang [Eternal Night Kingdom]!

Nang iabot ni Constantine kay Marvin ang Artifact na ito, napuno ito ng emosyon.

Maaarin masabing ito ang huling habilin ni O'Brien bago siya mamatay.

Ito rin ang simbolo ng Night Walker Leader.

Pero hindi alam ng iba na dati nang ginamit ni Marvin ang Eternal Night Kingdom para makatakas sa walang hanggang pagtugis sa kanya ng mga God!

Malalim ang nararamdaman niya para sa Artifact na ito!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C707
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄