下載應用程式
94.14% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 692: Cloak

章節 692: Cloak

編輯: LiberReverieGroup

Hindi malinaw ang deskripsyon ng Divine Spell. Ngayon lang nakarinig si Marvin ng Divine Spell na tinatawag na Unfathomable Ability.

Tila walang limitasyon ang Divine Spell na ito sa potensyal na epekto nito.

Pero alam ni Marvin na imposibleng makakuha na lang basta ng ganitong klase ng biyaya.

Lalo pa at sa tingin ni Marvin ay kakailanganin nito ng mga materyal na bagay para gumana.

Siguradong mangangailangan ng isang mahalagang materyal na bagay nag Divine Spell para magamit ito.

Gayunpaman, hindi pa niya ito mapapakinabangan sa ngayon.

'Mukhang wala nang iba pang mabibigya sa akin ang 4th Fate Tablet bukod sa pagiging mahusay at may malawa na kaalaman pag dating sa lenggwahe."

Napailing si Marvin at inisip, 'Pag-alis ko sa lugar na ito, hindi ko lang kailangan pigilan ang Azure Matriarch na pakawalan ang World ending Twin Snakes sa mundo, kakailanganin ko rin kalabanin ang mga tao doon sa Sky Tower na siguradong maiinggit sa nakuha ko!'

'Baka atakihin pa ang White River Valley dahil sa akin!'

Hindi mapigilan na bahagyang sumama ang kanyang timpla dahil ditto.

Nanumpa siyang poprotektahan niya ang White River Valley. Kaya talaga hindi niya hahayaan na mayroong mangyaring masama dito.

Ang tanging kagandahan lang nito ay nagawa nang isang Sanctuary ni Marvin ito kaya hindi naman ito makakaranas ng problema sa ngayon.

Kailangan niya na lang lutasin ang problema niya sa Fate Tablet!

Tunay nga na sa mga oras na ito, wala pang magagawa si Marvin tungkol dito.

Maaari niya lang hanapin ang susi para mabuksan ang misteryo ng Fate Tablet at malaman ang katotohanan.

Walang magandang katapusan ang pagtitipon ng lahat ng pahina ng Book of Nalu.

Pero hindi naman agad na sumuko si Marvin.

Naramdaman niyang mayroon lang isang taong makakalutas ng problema niyang ito: si Mavin mismo!

Mayroon na siyang 7 pahina ng Book of Nalu.

Kapag nakuha niya pa ang 4 pang pahina, maaari niya nang malutas ang problemang ito.

Kapag nabuksan na niya ang 4th Fate Tablet, kakailanganin na lang niyang harapin ang kung ano mang mangyayari pagkatapos nito.

Lalo pa at lalong nagiging komplikado ang sitwasyon ngayon, at ang mga kakalabanin ni Marvin ay di hamak na mas malalakas kesa sa kanya.

Kahit na hindi niya gustong mag-ascend sa Godhood, baka gamitin niya ito bilang huling pag-asa

'Hindi naman siguro ganoon kasama ang sitwasyon sa labas.'

'Siguradong maraming tao ang gustong pumatay sa akin. Pero katiwa-tiwala naman sina Ivan. At siguradong malapit nang matalo ng mga God ang Astral Beast. Mayroon lang akong humigit kumulang sa isang buwan para maghanda.'

'Sa loob ng isang buwan, hindi na lang mga Divine Servant ang kakalabanin ko, pero mga God level na!'

'Kahit na nasa panig ko ang Truth Goddess, at posible ring suportahan ako ni Diross, siguradong iba ang sitwasyon pagdating sa ibang mga pwersa.'

'Mahalaga pa rin na magpalakas ako.'

'At ang pinakamabilis na paraan para gawin 'yon ay ang pagtitipon ng mga pahina ng Book of Nalu.'

Naglalaman ng nakakatakot na kapangyarihan ang Fate Tablet.

Kahit na piliin niyang wag gamitin ito para mag-ascend, siguradong makakakuha pa rin si Marvin ng malaking Comprehension points mula dito.

Ang mga Comprehension points na ito ay pwedeng maging sapat na para maabot ang level 29 limit!

Kapag nangyari iyon, siguradong kakaunting nilalang na lang ang makakatalo kay Marvin.

Matapos pagdesisyonan ang kanyang mga susuno na hakbang, bahagyang kumalma na si Marvin.

Noong mga oras na iyon, biglang bumalik ang Vampire Premogenitor

May hawak itong libro na mayroong pulang pabalat, makikita ang galak sa mukha nito.

"Nahanap mo ba ang hinahanap mo?" Tila may gustong ipahiwatig si Yin.

Tumalon ang puso ni Marvin at sabay sinabing, "Alam mo na?"

Nagkibit-balikat lang si Yin. "Para sa isang nilalang na kasing tanda ko, kahit na may ilang bagay na hindi ko gusto, marami pa rin akong nalalaman," paliwanag niya.

"Sadyang nakakatukso ang 4th Fate Tablet… Hindi ba mitsa lang yan ng nagbabadyang kaguluhan?"

"Hindi ako mangangahas na hawakan ang bagay na 'yan. Pero may gusto pa rin akong malaman… Anong pumipigil sayo para gamitin 'yan?"

Direkta naman na sumagot si Marvin, "Ang susi"

"Ang taong may hawak lang ng susi ang tunay na makakapagpabukas ng Fate Tablet. Kung wala 'yon, wala ring silbi 'to."

Ngumiti si Yin na tila may nalalaman ito, nakikisimpatya niyang tiningnan si Marvin. "Edi malungkot ka ngayon?"

"Para kang nakahanap ng kwartong puno ng kayamanan pero hindi mo makuha ang nasa loob."

"Wala na akong magagawa tungkol doon," sabi ni Marvin kasabay ng pagkibit-balikta. "Onga pala, ano na ang susunod mong gagawin tungkol sa World Ending Twin Snakes?"

Inirap ni Yin ang kanyang mga mata habang may kakaibang ngiti sa kanyang mukha. "Sa toto lang, wala naman talaga akong balak na harapin ang Twin Snakes."

Sumimangot si Marvin.

"Mas mabuti nang wag maging mapangahas," paliwanag ni Yin. "Mali man ito sa paningin ng mga nainirahan sa Feinan, pero biglang isang Vampire Primogenitor, hindi ko naman talaga nakikita ang sarili ko na bahagi ako ng mundong ito. Kaya wala sa akin kahit pa masira 'to."

"Sa katunayan, matapos kong makuha ang Vampires' Secret Percepts, nakuha ko na uli ang kakayahan ko na umalis sa lugar na 'to at bumalik sa pugad ko kahit kelan ko gusto. Ang librong ito ay sama-samang ginawa ng mga Vampire Primogenitor. Ang iba ay isa-isa ang pumanaw sa haba ng kasaysayan. Ako na lang ang natitirang buhya, kaya sa akin na ang kapangyarihang ito."

"Siya nga pala, mas malakas na ako sayo ngayon. Hindi makakabuti sayo ang kalabanin ako."

"Sa kabilang banda, dapat siguro simulan mo nang isipin kung paano poprotektahan ang sarili mo. Ang World Ending Twin Snakes, ang mga God… Tila buong Universe ang kalaban mo."

Walang pakialam si Marvin sa pangungutya ni Yin.

Sa halip, tinanong niya ito gamit ang kaniya lenggwahe. "Ibig mo bang sabihin ay siguradong lilitaw ang World Ending Twin Snakes?"

Bahagyang tumawa si Yin. "Napakatagal na panahon na nakagapos ang dalawang ahas na 'yon, paano mo nasabing mananatili silang tahimik? Kaya kung ako sayo, maghanda ka na."

"Pero maganda ang pananaw ko sayo. Kaya nagdesisyon akong makipagkasundo sayo bago ako umalis."

Sumagot si Marvin, "Anong kasunduan?"

Inilabas ni Yin ang isang Itim na balabal. "Hindi magiging madali ang pagtakas mo ditto. Ang God's Divination, mga Tracking Spell, Time Tracking, higit pa ang lahat ng mga 'yon sa inaakala mo."

"Ang Cloak na ito ay isang Lesser Artifact. Pwede kong ibigay sayo ito nang libre.Matutulunganka nitong takpan ang awra mo. Kahit na subukan pa ni Grant na hanapin ka, hindi ka niya mahahanap."

"Pero sasabihin ko na sayo ngayo pa lang na ang Artifact na ito ay mayroong limitasyon. Dalawang beses lang ito maaaring gamitin."

Hindi pa agad kinuha ni Marvin ang Cloak. Sa halip ay hininaan niya ang kanyang boses at sinabing, "Anong kailangan kong gawin?"

Nagkibit-balikat lang si Yin. "Kahit na maliit lang ang pag-asa mo, kung sakaling magawa mo nga na mahanap ang susi ng Fate Tablet at magingisang nilalang na kapantay ng tatlong Great God, tandaan mo lang na may utang na loob ka sa akin o sa Vampire Clan."

Tumango si Marvin

Maituturing na pamumuhunan ang kasunduang ito. Namuhunan si Yin kay Marvin.

Kaya naman, nakuha n ani Marvin ang Cloak.

Bigla naman napatanong si Yin, "Ano nga ba ang susi?"

Kasabay ng pagtabi ni Marvin sa Cloak, nakangiting sumagot si Marvin, "Ang Book of Nalu."

Panandaliang nabigla si Yin bago tuluyang napamura at sinabing, "Pucha! Imposible 'yan!"

"Pwede ko bang bawiin ang Cloak ko?"

Maririnig ang pagkatuwa ni Marvin sa reaksyon ni Yin at sinabing, "Imposible 'yan."


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C692
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄