下載應用程式
81.36% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 598: Killing Instinct

章節 598: Killing Instinct

編輯: LiberReverieGroup

Noon pa man ay sakit na ng ulo ni Marvin ang anim na pangunahin attribute dahil sa mahirap pataasin ang mga ito.

Sa puntong ito kahit na mapataas niya ang level ng kanyang Legend Class, hindi na siya makakakuha ng attribute point mula ditto.

Ngayon, para mapataas nag kanyang mga attribute, kailangan na niyang hasain ang sarili niya.

Kailan lang ay hinasa ni Marvin ang kanyang Strength at Constitution kasama ang datin leader ng mga Night Walker na si Sean, at napataas naman niya ang mga ito kahit paano.

Kahit na nakakamangha ang Essence Absorption System na taglay niya, mayroon pa rin itong limitasyon.

Matapos maabot ang Legend realm, paunti nan ang paunti ang mga essence na makakapagbigay sa kanya ng mga kapansin-pansin na benepisyo.

At mayroong itong kinalaman sa mga battle exp na nakukuha niya mula sa mga halimaw.

Ang tanging tulong na nakukuha na lang niya sa Essence Absorption System ay kapag nakakapatay siya ng nilalang na nasa level ng mga Divine Servant.

Pero kahit pa ganito, matapos niyang pag-eksperimentuhan ang sistema niyang ito, napagtanto ni Marvin na sobrang liit ng nakukuha kapag ginawang attribute point ang mga essence na nakukuha niya. Kaya naman nagdesisyon si Marvin na gawing skill point ang lahat ng battle exp niya. Kahi na maliit lang din ang nakukuha niya rito, wala na rin naman kasi siyang paggagamitan ng mga battle exp niya.

Kaya naman, matagal-tagal nang walang pagbabago sa kanyang mga attribute.

Ang anim na attribute na ito ang pundasyon ng kanyang katawan.

Matapos maging isang Legend, nakakuha siya ng iba;t ibang uri ng mga specialty na nakapagpabuti sa kanyang katawan nang kaunti.

Lalo pa at kumplikado ang katawan ng isang tao at hindi lang naman maibubuod ang mga katangian nito gamit ang anim na attribute.

Pero kahit pa ganoon, sa patuloy na paglakas ng kapangyarihan ni Marvin, napunan naman ng mga ito ang ibang mga attribute niya sa ilang mga aspeto. Sadyang ang kanyang Dexterity ay matagal nang nakatengga sa 30 na puntos.

Malinaw sa kanya ito pero wala rin naman siyang gaanong magagawa.

Ang Godly Dexterity na ang limitasyon na maaaring maabot ng mga Human.

Para itong kadenang hindi nakikta. Para malampasan ang limitasyon, kakailanganin gumamit ng espesyal na pamamaraan, gaya na lang ng pag-ascend sa Godhood, pagiging isang Lich, pagtanggap ng regalo ng isang Greater Devil, o paggamit ng mga lihim na pamamaraan.

Pero masyadong kaunti ang pagpipilian, at masyadong mahirap malaman ang mga lihim na pamamaraan na ito.

Matagal na rin naghahanap si Marvin ng paraan para malagpasan ang kanyang limitasyon bukod sap ag-ascend, at kalaunan, pinili na lang niyang linangin ang kanyang False Divine Vessel /

Kahit na walang masyadong sinabi ang Fairy tungkol dito, nararamdaman niyang napakahalaga ng advanced False Divine Vessel na ito. Nakakaramdam din siya ng pambihirang kapangyarihan na nakaimbak sa loob nito, pero nag-iipon pa ang kapangyarihan na ito at hindi pa lumalabas.

Ang False Divine Vessel ay tila isang mahabang hulugan, kaya matagal-tagal bago mo makuha ang lahat ng ipon mo.

Handa naman na maghintay si Marvin para doon.

Pero hindi niya inisip na bigla-bigla na lang siyang makakalampas sa kanyang limitasyon.

Nasurpresa at natuwa naman siya dahil dito!.

Kung hindi lang dahil sa uwak na naroon pa rin, siguradong napatalon na si Marvin sa tuwa!

'Kailan 'to nangyari?!'

Bigla niyang inalala ang mga nangyari… at sa wakas, ang eksena ng laban nila ng Black Knight ay pumasok sa isipan ni Marvin.

Marahil dahil ito sa ginawang pang-uudyok ng Sodom's Blades na nagdulot ng reaksyon mula sa False Divine Vessel. Sadyang nakakagulat kay Marvin ang mga pangyayari.

Nakakuha si Marvin ng ability sa isang battle, at ang ability na ito ay may kinalaman sa advanced Divine Vessel.

[Post-Godly Dexterity: Sa tulong ng advanced False Divine Vessel, nalagpasan mon a ang mga Plane Law at nakakuha ng Advanced Authority].

[Post-Godly Dexterity: Ang kapangyarihan na matagal naipon sa iyong katawan ay kumawala na. Dexterity +4].

[Post-Godly Dexterity: Bakas ng pag-apruba ng Plane Will, bonus Dexterity +1].

[Post-Godly Dexterity: Umabot na ang Dexterity mo sa 35].

35!

Kaya naman pala nagawa niyang harapin ang Black Knight nang walang kahirap-hirap!

Kaya pala tiningnan siya ni Sangore na para bang nakakita ito ng isang halimaw.

Ni hindi ito napansin ni Marvin noon, pero ngayon ay labis naman ang saya niya nang malaman ito.

Sa wakas ay nalagpasan na niya ang limitasyon.

Ibig sabihin, nagawa na niya ang isang bagay na hindi nagawa ng mga nauna sa kanya, at mas lalo pang siyang lumakas!

Sodom's Blades!

Post-Godly Dexterity!

Ang dalawang ito pa lang ay sapat na para makilala na si Marvin bilang isa sa mga pinakamalalakas na Legend.

Pero hindi pa doon natatapos ang potensyal ni MArvin.

Ang bawat level sa Ruler of the Night class ay magbibigay sa kanya ng nakakatakot na mga skill. Pagpapatunay ditto ang Eternal Night Seal at ang Ruler's Wrath.

Isa pa, sapat ang lakas at kakayahan ng advanced False Divine Vessel para matulungan si Marvin na malagpasan ang limitasyon ng kanyang Dexterity. Sa deskripsyon ng Post-Godly Dexterity, mayroon din makikitang kahon sa gilid.

[Killing Instinct] (Nurturing…)

Malinaw na ang Killing Instinct ay isa na namang ability ng False Divine Vessel na maaaring niyang mabuksan at makuha.

Hindi niya pa ito maaarin magamit sa ngayon, pero naniniwala si Marvin na siguradong may kinalaman ito sa kanyang Slaughter Domain. Isa pa, siguradong muli na naman nitong higit na mapapataas ang lakas ni Marvin.

Habang iniisip ito, agad na naramdaman ni Marvin ang lakas na dumadaloy sa kanyang katawan.

Dahil sa False Divine Vessel, hindi na niya kailangan masyadong mag-aalala sa kanyang patuloy na pagpapalakas sa hinaharap.

Ang paglitaw ng Post-Godly Dexterity ay nagpapatunay na walang problema sa kalagayan ng pagpapalakas ni Marvin.

Hindi lang ang mga God ang maaaring lumakas pa. Marami rin mga powerhouse noong ancient time na gumamit ng sarili nilang pamamaraan, at naniniwala si Marvin na maaari niya rin magawa ito.

Tulad ng Ruler of the Night.

Kumalma na siya muli matapos ang labis na pagkagalak.

Hindi siya malulunod sa tuwa niya.

Ilang minute pa siyang ahinahon na naghintay hanggang sa dahan-dahan lumipad palayo ang uwak.

Matapos itong lumipad palayo, lumingon pa uli ito para tumingin sa huling pagkakataon, na para bang mayroon itong naramdaman. Pero masayadong malakas ang Stealth ni Marvin, kaya pinagaspas na nito ang kanyang pakpak at lumipad palayo.

Ang susunod na hakbang ay ang pag-abot sa kaibuturan ng swamp.

Salamat sa mga forum post ng mga guild, kahit paano ay alam ni Marvin kung paano tatawirin ang swamp na ito, kaya mukhang wala naman siyang magiging problema.

Tumawid siya sa ilog at nagpatuloy na maglakad sa daanan, at ginamit ang kanyang pambihirang Dexterity para mabilis na kumilos.

Hindi nagtagal nakalampas na siya sa [Mushroom Area] ng swamp.

Makikita na ang bahay ng Witch sa malayo.

Tumayo si Marvin sa likod ng matatataas na mga dami, at siniyasat ang kanyang kapaligiran.

Nasa lugar na siya sa lugar na tinatawag na [Lizard Area].

Tulad ng sinasabi sa pangalan, nagpapalaki ng napakaraming mga Lizard ang Snake Witch ditto. Ang mga hayop na ito ay mayroong kakayang maramdaman ang pinakamaliit na pagbabago sa tempeatura. Kung masyado siyan lalapit, siguradong madidiskubre siya kahit pa mataas ang kanyang Stealth. Isang pantasya lang ang tahimik na pagtawid sa Lizard Area para mapatay ang Snake Witch.

Sa laro, mayroong mga guild na bumuo ng ilang grupo ng mga Legend para pwersahin ang kanilang pagdaan dito.

Pero mabuti na lang at nalaman na paraan ang isang mapag-isang Ranger, at iyon naman ang gagawin ni Marvin.

Kaya naman hindi siya gaanong nababahala. Siniyasat niya ang pagkilos ng napakaraming Lizard bago tumalon, hindi patungo sa bahay ng Witch, bagkus patungo sa dakong kanluran kung saan mahamog.

Doon, mayroong makapal na hamog, pero ang kakaiba ditto ay mayroong mararamdaman na init mula sa hamog. Ang sino mang tao ay magdadalawang-isip na pasukin ang isang makapal at kakaibang hamog na malapit sa isang taong kilala sa paggawa ng lason.

Nanatiling mahinahon si Marvin, binagalan niya ang kilos at naglakad patungo sa [Courtyard Area].

Sa loob ng Courtyard Area, mayroong maliit na bahagi na maraming butas na patungo sa ibabaw ng lupa. 

Bibihira lang makapasok ang sinag ng liwanag mula sa ibabaw ng lupa at makapasok sa Underdark.

At syempre, isa ito sa mga pinakapaboritong lugar ng Snake Witch.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C598
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄