下載應用程式
79.86% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 587: Scorched Lord

章節 587: Scorched Lord

編輯: LiberReverieGroup

Scorched Hell, Supreme Throne.

"Lord, umalis na si Blackhand at nagtungo sa Devil Town… Para kausapin ang Young Master." Balita ng isang Fallen Angel na mayroong itim pakpak sa nilalang na nakaupo sa trono.

"Hindi mo na siya kailangan tawagin ng Young Master. Hindi naman niya ako gaanong kinikilala bilang kanyang lolo."

Umalingawngaw ang malalim na boses ni Diross, "Siya ang magiging bayani ng Feinan. Walang koneksyon sa kanya ang Scorched Hell."

Tila mayroong gustong sabihin ang Fallen Angel pero nag-atubili ito.

Hindi niya nauunawaan kung anong klaseng kasunduan ang nabuo ng pambihirang nilalang na ito sa dating Scorched Lord para makuha nito ang lahat ng pamana at pwersa nito. At dahil binitawan n ani Diross ang lahat ng bagay sa mundo ng mga mortal, bakit naman niya ituturing ng ganito kaganda ang tagapagmana niyang ito?

Isa pa, ipinagkaloob rin nito ang pinakamagandang bloodline ng nawawalang Molten Archdevil at palihim na ipinagtatanggol ang batang ito.

Isa itong malaking pagsubok para sa Scorched Hell.

Lalo na noong pumasok si Marvin sa Templo ng Wilderness God, muntik nang kumilos si Diross.

Laging nasa panganib ang batang iyon. Ang kakayahan nitong magsimula ng kaguluhan ay maikukumpara sa mga Demon.

Kinakalaban nito ang mga God, ang isang Demon Lord ng Abyss, at mga Overlord ng Negative Energy Plane.

Pero hindi naman ito malaking problema.

Lalo pa at bilang isa sa apat na pangunahing kapangyarihan sa Universe, kinakalaban naman na talaga ng Nine Hells ang tatlong ito.

Pero… Mukhang magiging kalaban na rin niya ang mga Devil.

Handang harapin ng binatang ito ang lahat!

Wala siyang alitan sa pagitan ng isang partikular na Devil sa ngayon, pero base sa nakita ng Fallen Angel, kalaunan papasukin na rin nito ang Nine Hells.

Sadyang walang kinakatakutan ang batang ito.

Habang iniisip ang lahat ng ito, nagtanong ang Fallen Angel, "Kung ganoon, bakit niyo pa ipinadala si Blackhand para tulungan siya?"

Pinag-isipan ito ni Diross saka ito mabgal na sumagot, "May dalawa akong dahilan."

"Una, kailangan ng mundong ito ng mga taong matigas ang ulo. Mahusay si Marvin, at siya ang napili ni Lance paa itama ang [Wrong Future]. Galit ako sa mga God, pero walang akong problema kay Lance. Sigurado akong kalkulado ang mga desisyon ng taong iyon. Wag mong pansinin ang mga God na iyon, maliit na karakter lang ang mga iyon. Sa mga tunay na makapangyarihan, may nakita ka ba sa kanila na talagang inatake si Marvin?"

"Ang pinakasimpleng halimbawa ay ang God of Dawn and Protection sa NightmareBoundary. Kung gugustuhin niya, pwede na sana niyang patayin si Marvin, pero hindi niya ito ginawa."

"Dahil 'yon sa kahit na isa siya sa mga New God, isa rin siya sa tatlong God na nagbalik mula sa Primal Chaos Fringe. Alam niya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin."

Nagtanong muli ang Fallen Angel na mayroong pagdududa sa kanyang mukha, "Kung ganoon, ang pag-atake sa Universe Magic Pool ay isang bagay na dapat niyang gawin?"

Tumingin si Diross sa kanya na tila may nais sabihin at sinabing, "Kung ipinahiwatig ni Lance na gawin nila iyon, sa tingin mo mangangahas silang atakihin ang Universe Magic Pool?"

Agad na natigilan ang Fallen Angel.

Bilang isang Greater Devil, at para magkaroon ng ganoong klaseng posisyon, natural na mayroon siyang pambihirang kakayahan na magplano ng mga bagay.

Naramdaman niyang ang ilang bagay na sinabi sa kanya ni Diross ngayon ay maaaring may kinalaman sa kinabukasan ng Universe!

Habang sinusubukan isip ang lahat ng implikasyon nito, biglang binago ni Diross ang usapan. "Simple lang ang ikalawang rason…"

"Apo ko siya,"

"Hangga't hindi siya direktang kalaban ng Hell, sino mang magtangkang gumalaw sa kanya ay hindi makakatakas sa bagsik ng Scorched Hell."

"Hindi ko madispatya ang matandang 'yon dati at hindi ako naging maingat, pero ngayon, ako na ang Scorched Lord!"

Makikita ang bagsik sa mga mat ani Diross at nakakatakot na nagtanong ito, "Nahanap na ba ang eksaktong lokasyon ng God Realm ng Dream God?"

Mabilis naman na sumagot ang Fallen Angel, "Hindi pa, isang tusong nilalang ang Dream God. Napakahirap hanapin ng kanyang God Realm. Pero nahanap namin ang isa sa mga Secondary Plane na kontrolado niya."

Ngumisi si Dioss, "Ano pang hinihintay natin? Umatake na tayo!"

Umabot ang kanyang boses sa buong Scorched Hell!

Sa isang iglap, higit sa isang daang libong Devil ang naghanda para sa laban!

Dalawang Teleportation Door ang lumitaw.

Nahati sa dalawa ang hukbo ng Scorched Hell at nagtungo sa parehong portal.

Bahagyang nag-alala ang Fallen Angel. "Hindi ba delikado ang pag-atake sa Supreme Jungle at Secondary Plane ng Dream God nang sabay?"

Sa kabila ng pagkabahala ng Fallen Angel, walang emosyon na sumagot ang lalaking nasa trono, "Anong delikado sa pagpatay sa mga taong mamamatay naman na talaga?"

Devil Town.

Gulat na tiningnan ni Marvin ang Devil Horseman.

Blackhand Bard.

Naaalala pa niya ang pangalan nito.

Nang gamitin ni Marvin ang Hell Corps Contract noon, na-summon na niya ito at ilan pang mga Devil Horsemen na tumulong sa kanya para patayin si Balkh.

Pero sa pagkakataon na ito, lumitaw ito nang walang ginagawa si Marvin.

Kaya naman kakaiba ang naramdaman ni Marvin sa sitwasyon na ito.

"Tinapos na ng aming Lord ang huling suliranin."

Nagpaliwanag naman si Blackhand, "Alam niyang nakikipagkompitensya ka kay Saydis para sa Sodom's Blades, kaya ipinadala niya ako para tulungan ka."

"Kay Saydis?"

Napansin naman ni Blackhand ang pananalitang ginamit ni Blackhand.

'Hindi ba si Black Knight Sangore ang naghahanap ng mga 'yon?'

"Wala na tayong oras."

"Kung gusto mo pa rin makuha ang Sodom's Blades, sa daan na tayo mag-usap."

Ikinumpas ni Blackhand ang kayang kamay at isang mababang tunog ang umalingawngaw.

Biglang nakita ni Marvin at ng Tomb Raider ang mga pagbabago sa kanilang kapaligiran.

Ang buong Devil Town na kanina ay walang kalaman-laman ay naging isang bayan na buhay na buhay!

Naglalakad ang mga Devil sa kalsada, at mukhang maunlad ang lugar na ito!

Pero tila hindi pinansin ng mga Devil na ito si Marvin.

Gulat namn na tiningnan ni Marvin ang lahat ng ito.

Devil Town, Saydis, ang kanyang lolo… Isa lang itong paglalakbay sa Underdark, kaya paano ito naging ganito kakumplikado?

Pero nagdesisyon siyang pagatiwalaan si Blackhand sa pagkakataon na ito.

Naniniwla si Marvin na walang dahilan si Blackhand para makipagtulungan kay Saydis at linlangin siya.

Kahit na isa siyang Devil, mayroong awra ng Scorched Hell si Blackhand, habang wala naman nito si Saydis.

Magkaiba ang kanilang pinanggalingan, kaya malayong magsabwatan sila.

Kaya naman, sinundan niya si Blackhand at mabilis na naglakad sa bagong Devil Town na ito.

Kinuyom ng Tomb Raider ang kanyang ngipin at sumunod na ito.

Sa daan, sinabi ni Blackhand kay Marvin ang ilang lihim na impormasyon.

At matapos marinig ni Marvin ang lahat ng ito, sandali siyang nanatiling tahimik hanggang sa may pait na ngumiti ito.

'Ang Devil Town ay isa talagang bayan na tirahan ng mga Devil.'

'Pumirma ng Contract ang Bloody Emperor sa mga Devil. Hindi ko inasahan na nahulog siya sa patibong ng Devil…'

'At naging tunay na Lord ng Scorched Hell ang lolo ko at mula sa pagiging isang Human, naging isa na siya sa mga pinakamalakas na powerhouse sa Universe.

'Sinabi rin ni Blackhan na nagsimula na ito ng digmaan sa Dream God… Anong ibig sabihin nito?'

'Nagpadala ba talaga siya ng hukbo ng mga Devil sa Realm ng Dream God para sa akin?'

Lalong lumalim ang pagdududa sa isipan ni Marvin.

Bigla siyang nagtanong, "Ano ang [Myth] na sinasabi ni Saydis?"


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C587
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄