下載應用程式
79.45% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 584: Watcher (2)

章節 584: Watcher (2)

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 584: Watcher (2) 

Matapos pumasok ni Marvin sa Devil Town, agad na sumara ang daan papasok dito!

"Bang!"

Ni hindi man lang nakalapit ang gurpo ng Black Knight bago sila nasaraduhan nito.

Hindi naman ito ikinagulat ni Marvin dahil alam niyang kapag nabuksan ang daan papasok ng Devil Town, mabilis rin itong magsasara. Ang tanging may hawak lang ng susi ang madaling makakapasok.

Galit naman na sinuntok ni Sangore ang makapal na City Gate at sumigaw, "Nasa kanya ang susi!"

"Pinatay niya si Stang at ninakaw niya ang susi. Siguradong ang Bloody Emperor din ang punterya niya!"

Hindi rin maipina ang mukha ng Wizard at tinanong, "Ano na ang gagawin natin ngayon?"

Saglit na natahimik ang Black Knight biglang mayroong malagim na pagtawa ang nagmula sa katawan nito. .

"Nakakasawang pakinggan ang pagtawa mo, Saydis," sabi ni Sangore na tila inasahan na ito.

Isang purong Devil ang lumitaw sa kanilang harapan.

"Mukhang may malaking problema na naman kayo, kaibigan." Nakangiting sabi ni Saydis. At kahit na mukha itong Devil ay tila kanais-nais ang personalidad nito.

"Wag mo akong tingnan nang ganyang, sa tuwing nagkakaproblema kayo, lagi naman akong nagbibigay ng solusyon, hindi ba?"

"Ako ang tumulong sayo para manatili kang buhay hanggang ngayon at maging ganito kalakas."

Ngumisi si Sangore, "Wag ka ngang magpanggap na matulungin ka! Marami ka nang nakuha sa akin!"

"Syempre naman. Ang patas na palitan ang ugat ng isang maayos na pagtutulungan." Dinilaan ni Saydis ang kanyang lbi. "Alam mo kung gaano kalakas ang Sodom's Blades. At kung makuha ng batang 'yon ang mga dagger na 'yon… May sasabihin ako sayong sikreto. Pareho kayong mayroon bloodline at mataas na katayuan ng Nine Hells. Mas noble pa nga ang bloodline niya kesa sayo, kaya baka maging mas madali para sa kanya kilalanin ng Bloody Emperor at tanggapin ang pamana nito."

Kinilabutan ang Black Knight sa rebelasayon na ito. "Wala syang awra ng Devil!"

Nagkibit-bakat si Saydis at pa-misteryosong sinabi, "Si Dirros, na Lord ng [Scorched Hell] , ang kanyang lolo. Dumadalyo sa dugo niya ang bloodline ng Molten Archdevil. Ang hina mo naman kung hindi mo napansin 'yon.'

"Kung makuha niya ang pamana ng slaughterer ngayon, makukuha niya rin ang kapangyarihan ng Lord ng 3rd Hell."

"Sa tingin mo ba kakayanin mo pa siya kapag nangyari 'yon?"

Nanatiling tahimik ang Black Knight habang may seryosong reaksyon sa kanyang mukha.

Puno ng panunukso ang tono ni Saydis habang binubulong na, "Tulad ng pagsabi ko sayo ng lokasyon ng tomb ng Blood Emperor, kaya rin kitang tulungan na makapasok sa Devil Town!"

Diretso naman na sumagot ang Black Knight, "Pero wala na akong maibibigay sayo."

"Kinuha mon a ang kaluluwa ko at ang lahat ng mayroon ako. Ano pa ba ang gusto mong kunin ngayon?"

Tusong tumawa si Saydis at napunta ang atensyon nito sa Legend Wizard na nasa tabi niya. "Hay, Sangore, kaawa-awang Black Night. Dahil alam mong nawala na sayo ang lahat, bakit may pakialam ka pa sa mga kinahuhumalingan ng mga mortal?"

"Bakit ba kumakapit ka pa sa pagiging mortal mo?"

"Dapat mon ang bitawan 'yan, at hindi rin naman bagay sayo ang pakikipagrelasyon."

"Ibigay mo sa akin ang kaluluwa niya, at ipapasok kita sa Devil Town."

Saglit na hindi nagsalita si Sangore. Nagbago naman ang mukha ng Wizard habang sinasabing, "Makakapasok pa rin kami sa Devil Town nang wala ka!"

Tiningnan niya ng Black Knight na nakasakay sa kanyang kabayo, nahulog ang loob niya sa lalaking ito isang daang taon na ang nakakalipas.

At nakita niyang papalpit na ang dulo ng spear.

Umalingawngaw naman ang tawa ng Devil sa harap ng daan papasok ng Devil Town, tila isa itong malaking kampanang tumutunog.

Nakakatakot itong pakinggan.

Maingat na naglakad si Marvin.

Napakaraming Watcher ang nakatitig sa kanila.

Hindi naman mapakali si Marvin nang mapatingin siya sa isang matang ito.

Sa isang iglap, tila nalubog si Marvin sa kawalan ng pag-asa.

Pagod na siyang mabuhay at mas mabuti pa kung mamatay na siya.

Malulutas ng kamatayan ang lahat.

Ang mga ideyang ito ay tila nagpapaulit-ulit sa kanyang puso.

'[Suicidal Curse].'

Huminga nang malalim si Marvin.

Muling nanumbalik ang ningning ng kanilang mga mata.

Umabot na sa nakakatakot na level ang kanyng willpower, kaya naman, ang Suicidal Curse na dudurog sa karamihan ng mga Legend powerhouse ay hindi umepekto sa kanya.

Habang ang kaawa-awang Tomb Raider ay agad na tinamaan nito, pero mabuti na lang at mabilis ang naging reaksyon ni Marvin at tinakpan ng itim na tela ang mga mata nito.

Kung hindi malamang ay nagpakamatay na ito.

Pinasunod na lang niya ang Tomb Raider sa kanya.

'Devil Tow… Devil Town…'

'Hindi kaya may koneksyon ang Bloody Emperor sa mga Devil?'

Pumasok ang paghihinalang ito sa isipan ni Marvin.

Naisip ni Marvin ang isa sa mga Archdevil ng Nine Hells dahil sa mga matang iyon!

Ang Eye Tyrant Archdevil.

Isang Archdevil ng Nine Hells, at isa sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa Universe. Ang mga Watcher na ito ay may pagkakapareho sa Archdevil na ito.

Para ilagay ng Bloody Emperor ang kanyang tomb sa ganitong klaseng bayan, maaaring mayroong siyang koneksyon sa mga Devil.

Hindi ito nabanggit sa post na nabasa ni Marvin.

Alistong-alisto si Marvin dahil maramng detalyeng hindi binanggit sa post na iyon. Natural lang sa mga tao na itago ang pinakamahahalagang detalye para sa pansariling interes.

Pero naramdaman ni Marvin na mas maayos pa rin ang mga Devil kesa sa mga Demon at Evil Spirit.

Ang mga Devil ay mayroong sariling mga batas. Matindi ang pagkahumaling ng mga ito sa mga Contract at mga kasunduan.

Maraming nang karanasan si Marvin sa mga Devil sa laro, at mayroon pa siyang koneksyon sa mga ito sa buhay na ito dahil mayroong siyang bloodline ng Nine Hells.

Basta mahanap niya ang daan papasok sa tomb, madali na alng ang pagkuha sa Sodom's Blade.

Pero mayroon silang pagsubok na hinarap habang nagpapatuloy sila.

Malinaw na marami nang karanasan ang Tomb Raider sa pagpasok sa mga timb. Malawak ang kaalaman nito pagdating sa mga ganitong lugar.

Nakapagsaliksik na siyang mabuti tungkol sa mga kilala at makasaysayang mga tomb, at kasama na dito ang Devil Town

 .

Kailangan ni Marvin ang tulong nito para mahanap ang daan papasok sa Tomb.

Pero hindi nito maaaring buksan ang mga mata nito. Kahit na isang Legend ito, malinaw na hindi sapat ang willpower nito para labana ang Suicide Curse. Maaari itong mamatay kapag napatingin ito sa mata ng mga Watcher.

Matapos mag-isip, naka-isip na si Marvin ng posibleng solusyon.

Inilarawan niya ang nakikita niya sa Tomb Raider.

Matapos itong makinig, inanalisa ng lalaking ito ang daan gamit ang kanyang skill.

Kahit na mabagal ang pamamaraan na ito at mayroon itong kaunting mga pagkakamali, ito pa rin ang pinakamagandang nilang maaaring gawin sa ngayon.

Gamit ang kaalaman ng Tomb Raider tungkol sa mga tomb, dahan-dahan na nagtungo ang dalawa sa kaibuturan ng Devil Town.

Hindi nagtagal ay naabot na nila ang gitna ng bayan.

Napapalibutan na sila ngayon ng mataaas na gusali imbis na ang mga maliliit na bahay malapit sa papasok ng Devil Town. Mas kaunti na rin ang bilang ng mga Watcher sa lugar na ito.

Pero hindi pa rin komportbale si Marvin.

Kakaiba ang hugis ng mga gusali na ito at tila mas nakakasindak ito kesa sa mga Watcher.

Kahit na nakapiring ang Tomb Raider, naramdaman niya rin ang pagkasindak sa lugar na ito.

Bumuling ito, "May kakaiba akong nararamdaman."

"Parang mayroong nagmamasid sa atin. Pero hindi ang mga Watcher na 'yan."

"Para bang….buhay ang mismong bayan na 'to!"


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C584
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄