Ang Mist Dragon, bilang isang Lesser Dragon, ay hindi ganoon kalaking banta.
At alam ng mga taong naroon na ang tunay na nagpapahirap sa kanilang sitwasyon ay isang Legend Wizard.
Malamang alaga nito ang Mist Dragon na ito.
Sa itsura pa lang ng avalanche, makikitang binago nang husto ang kapaligiran sa lugar na ito.
Wala pa sa kalingkingan ng paparating na avalanche ang avalanche na unang naranasan ng apat.
Kung hindi sila makakatakas, kahit na mga Legend sila, habang-buhay pa rin silang maililibing sa nyebe!
Natataranta naman na tumakas ang apat, kaya naman hindi na nila naikubli ang kanilang bakas.
Nagkataon naman na napalingon si Marvin at ang Paladin, makikita ang panghahamak sa kanilang mga mukha.
Tunay na mga oportunista lang ang mga taong ito, kaya naman nang makitang nagiging kumplikado na ang sitwasyon, pinili nilang tumakbo at tumakas.
Pero wala na silang oras na komprontahin ang mga taong ito.
Mabilis ang pagbagsak ng avalanche. Tila nilalamon nito ang lahat ng nakaharang sa daan nito!
Isang malakas na pwersa ang bumabagsak mula sa kalangitan.
Nararamdaman ni Marvin na mayroon gravityfield na nakakaapekto sa kalangitan sa bundok na ito.
Maging isa man itong lumilipad na nilalang o mayroong gumagamit ng flying skill, siguradong babagsak ang mga ito sa lupa dahil sa epekto ng force field.
At mas malapit ang kanilang posisyon sa tuktok ng bundok kumapara sa apat na nagtakbuhan, kaya imposible na para sa kanila ang tumakas.
Bukod pa sa avalanche na rumaragasa patungo sa kanila, mayroong Mist Dragon sa gilid na siguradong hindi sila hahayaang makatakas.
Malakas ang pag-ihip ng hangin kasabay ng malakas ng pag-ulan ng nyebe, pero hindi nahadlangan nito ang paningin ni Marvin. Mahinahon itong tumingin sa lokasyon ng Mist Dragon, nakahawak na ang magkabulang kamay niya sa kanyang mga dagger na nasa kanyang baywang.
Itinabi na niya ang Greyhawl Staff.
Nagpapanggap man siyang isang Great Druid, pero sa kritikal na sitwasyon na ito, gagamitin pa rin niya ang kanyang tunay na lakas bilang isang Ruler of the Night!
Nakakalito ang imahe ng Mist Dragon at mahirap itong mabantayan dahil sa lakas ng pagbuhos ng nyebe sa kalangitan.
Mabuti na lang, dahil sa kanyang pambihirang paningin, nagawa pa rin makita ni Marvin ang bawat kilos ng mailap na aninong ito.
Lumingon si Marvin at sumigaw, "Ako nang bahala sa Mist Dragon, kakayanin mo ba ang avalanche?"
Makikita ang gulat sa mukha ng Paladin.
Hindi niya inakalang magiging ganito pa rin kakalmado si Marvin sa ganitong sitwasyon.
Noong una ay binalak na nitong kumilos nang mag-isa dahil inakala niyang matataranta ang binatang kasama niya at hindi siya matutulungan nito. Lalo pa at malubha ang kanilang stiwasyon.
Pero hindi niya inasahan na magpiprisinta at magkukusa ang binate na harapin ang Mist Dragon.
Hindi madaling kalabanin ang mga Mist Dragon, lalo na at napasama ng bugso ng panahon. Magagawa nitong maging isa sa ulan ng nyebe kaya magiging mahirap na masundan ang kilos nito. At kapag nakakita ito ng pagkakataon na umatake, siguradong magdudulot ito ng malaking pinsala.
Sa ganitong sitwasyon, mapanganib rin ang pangunguna sa pag-atake.
Pero mabilis ang naging reaksyon ng Paladin at naunawan nito kung ano ang binabalak ni Marvin.
'Balak niyang pagaangin ang buhay ko.'
Agad na napagtanto ni Griffin na nakatingin si Marvin sa batang babae sa kanyang likuran, na maaaring makasagabal sa kangyang pag-opensa.
Nasa katawan pa rin ng batang babae ang curse, kaya walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari sa kanya kapag natagtag ito dahil sa pakikipaglaban ng Paladin.
Habang iniisip ito, tumaba ang puso ng Paladin.
Tahimik siyang tumango kay Marvin.
Huminga nang malalim si Marvin. Saka ito biglang nawala.
Malapit nang umabot sa Paladin ang malakas na bugso ng nyebe at ilibing ito. At tanging ang napakalaking pagbulusok na lang ng avalanche ang makikita.
Nang biglang, nagliwanag ang isang ginintuang ilaw!
Truth Scale!
Isang nakakasilaw at bilod na liwanag ang agad na nabuo, at sinusuportahan ng anino ng Truth Scale. Agad na nalusaw ang mga nyebe sa kanyang kapaligiran!
Nagulo ang buhok ni Griffin, tumulo ang dugo mula sa dulo ng kanyang bibig.
Malinaw kahit sa taglay na kapangyarihan ng Paladin, mahirap pa rin kontrahin ang isang avalanche na gawa sa magic.
Umagos lang paikot ang nyebe sa lugar kung nasaan ang Truth Scale at patuloy lang itong buagsak at lumagpas sa kanila!
"Wooosh!"
Isang anino naman ang tumalon mula sa hamog na dulot ng pagtama ng nyebe sa shield at nagpalipat-lipat ng lugar.
…
Sa paanan ng bundok, ang apat na adventurer ay nakatingin lang sa makapangyarihang shield na ginawa g Truth Scale.
"Napakalakas pala talaga niya."
May pait sa tono ni Fenno.
Kung nalaman niya lang ito kaagad, nagdesisyon na sana itong sumama sa dalawa!
Dahil basta nasa likod ng Shield na ginawa nito, hindi siya maaapektuhan ng avalanche.
.
Ngayon, kahit na nakatakas na ang apat mula sa avalanche, may ibang pagsubok naman silang haharapin.
Isang babaeng nakasuot ng luntiang damit ang nakangiti sa kanila.
Mayroon itong makapangyarihang awra ng magic, at ang mga mata nito ay mapang-akit.
"Lumabas ka rito, Puppy."
Nang sabihin niya ito, isang Gate ang biglang lumitaw, at isang masamang awra ang inilabas nito.
Napigil ang hininga ng apat na adventurer.
Nakakita sila ng Bon Dragon na mayroong dalawang kakaibang mga ulo. Ang isang ulo nito ay pula, habang itim naman ang isa pa.
Two Headed Bone Dragon Claudy…" Gulat na nabigka ni Fenno ano pangalan ng Dragon.
Hindi lang ito basta-basta pangalan sa Crimson Wasteland. Hindi na mabilang ang mga Legend powerhouse na namatay sa ilalim ng Bone Dragon claw nito.
Sa loob ng mahabang panahon, grupo-grupo lang na kumikilos ang mga tao sa dakong katmugan ng Delusion Swamp dahil sa Bone Dragon na iyon.
Pagkatapos nito, bigla na lang nawala ang Bone Dragon, at naging mas ligtas naman ang Delusion Swamp.
Walang nakakaalam kung saan ito napunta, pero naisip ng iba na natutulog lang ito.
Pero mukhang hindi ganoon ang nangyari.
Malinaw na may humuli sa Bone Dragon.
At tinatawag itong [Puppy]… Kahit na mayroong malakas na magical power ang babae, malinaw na hindi ito sapat para mahuli ang isang nakakatakot na nilalang gay ani Claudy.
Malamang ay may mas malakas pang tao sa likod nito!
Nawalan ng kagustuhan nilang lumaban habang naiisip ang mga ito.
Nagkatinginan sila at pilit na ngumiti.
Mas mabuti siguro kung kasama na lang nila sina Marvin at ang Paladin kesa mapunta sa sitwasyon na ito. Magiging mas ligtas sana sila sa piling ng Truth Scale.
Sayang lang at wala nang magagawa ang kanilang pagsisisi.
Ngumisi ang babae, "Binalaan na kayo dati, pero naglakas-loob pa rin kayong bumalik."
"Sa pagkakataon na 'to, wala na sa inyo ang makakaalis!"
"Rawr!"
Magkasunod na itinaas ng Bone Dragon ang kanyang mga ulo, at isang itim na ipo-ipo ang lumabas mula sa mga pakpak nito at rumagasa patungo sa apat na adventurer!
Kasabay nito, isa pang laban ang nagsimula sa itaas ng bundok!
…
Malakas pa rin ang bugso ng pag-ulan ng nyebe nang matapos ang avalanche, pero hindi pa rin nahadlangan nito ang paningin ni Marvin.
Nakita niya ang Mist Dragon na nagtatago sa likod ng isang bato at sinusubukan maging isa sa kanyang kapaligiran.
Pero hindi nito alam na nakatingin na si Marvin sa kanya.
Hindi biro ang kanyang Stealth: madaling nakalapit si Marvin sa likod nito nang hindi namamalayan ng Mist Dragon, at habang hinahanda nito ang pangalawa nitong pag-atake, inunahan na ito ni Marvin.