Nakahinga na ng maluwag si Marvin noong nasa loob na siya ng lagusan pero mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.
'Muntik na ko doon!'
'Buti na lang mayroong mga matatangkad na gnoll na nasa gilid niya kaya hindi niya ako nakita. Kung nakita niya ko siguradong patay ako. Hindi rin ako makakatakas kahit gumamit ako ng Hide sa dami ng mga gnoll at mga aardwolf sa paligid.'
Takot na tako si Marvin sa pagkakataong 'to.
Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng Sorcerer ang mga gnoll.
Hindi naman sila mga kobolds na nananalaytay ang dugo ng kanilang ninunong isang malaking dragon, sa kanilang mga katawan. Kaya paano sila magkakaroon ng isang Sorcerer sa tribo nila?
Hindi ito maintindihan ni Marvin.
Kung sabagay, puno ang mundo ng Feinan ng mga kakaibang mga bagay. At dahil mayroong 2nd rank Sorcerer na pinuno ang mga ito, lalo silang naging mapanganib.
Kailangan niyang maglabas ng specialized target. 'Yon lang ang tanging paraan para possible silang manalo.
Dahil kung tutuusin, kung sinusuportahan pa ng isang Sorcerer ang malalakas na kakampi nito, ibig-sabihin, napakalakas nito.
Dahil nalilimita lang sa mga bloodline ang pagiging Sorcerer, tinuturing itong isang second-rate class. Subalit, pagkatapos ng Great Calamity, mas lumakas at naging mas madaling i-cast nila ang kanilang mga spell dahil sa chaos magic na pumapasok sa Feinan at dahil hindi naman konektado ang mga spell ng mga ito sa Universe Magic Pool.
Ang mga Sorcerer ang pinakanakinabang sa Great Calamity.
Naalala ni Marvin na nakapagtatag ng isang malaking bansa pagkatapos ng Great Calamity ang mga Sorcerer na ipinatapon ng mga wizard sa Rocky Mountain sa dakong timog-kanluran.
Kahit na tatlong taon lang ito nabuhay, kung hindi ito pinunterya ng ilang mga god, baka nasakop na nito ang buong katimugan.
Tatlong Heavenly Awakened Sorcerers ang pinuno ng bansang 'to.
Usap-usapan ng mga manlalaro ang [Three Fate Sisters] na ubod ng ganda.
Wala mang binatbat ang gnoll Sorcerer na nakita ni Marvin, sa pinakamalakas na Heavenly Awakened Sorcerer, hindi pa rin niya iro pwedeng maliitin.
Napansin din niyang tuloy-tuloy ang paggamit ng[Eye of Pain] ng kalaban, na nangangahulugang, alerto ang Sorcerer na 'to.
Pinapakita lang din nito na napakalakas ng magic powers nito nakakaubos ng enerhiya ang tuloy-tuloy na paggamit ng Eye of Pain, ngunit nakakatayo pa rin ito ng tuwid. Kitang-kita kung gaano kalakas ang bloodline nito.
Ang mga tulad ng Sorcerer na 'to ang mortal na kaaway ng mga gumagamit ng Stealth gaya ni Marvin.
Kung Thief siya siguradong patay siya.
Buti na lang at Ranger na siya.
Isang kalamangan ng Ranger ay kahit na mapigilan ang Stealth, maayos pa rin ang mga close range ability ng mga 'to.
Saglit na nagpahinga si Marvin sa lagusan, at muling lumabas noong handa na ulit siya.
May narinig siyang isang mahinang boses na umaawit sa likod ng daanang may malaking bato pagdaan niya dito.
Napakalumanay ng boses nito. Hindi sana niya ito narinig kung hindi dahil sa pambihirang pandinig ni Marvin at sa katahimikan sa lagusan.
'Ano 'yon?'
Bumilis ang tibok ng puso ni Marvin. Nilapitan nito ang bato at dinikit ang tainga para pakinggan ng mas mabuti.
Unti-unting naging malinaw ang boses. Tila gumagamit ng isang makalumang lenggwahe ito sa pagkanta. Pinakinggan pang mabuti ni Marvin ang boses at napansing lenggwahe 'to ng mga Anzed.
Wala na ang race ng mga Anzed. Sila ang pinagmulan ng mga wizard, pero bigla na lang silang nawala.
Sa kabuoan, maraming lugar sa Feinan ang mayroong mga Anzed.
Sa tuwing mayroong mahahalagang okasyon tulad ng lamay, libing, pagbibigay pugay sa mga god o ninuno, mayroong mga nakatatandang Anzed ang inaatasang magdasal gamit ang lenggwahe nila.
.
Pero hindi kayang gamitin o maintindihan ng isang ordinaryong tao ang makasaysayang lenggwahe ng mga Anzed.
Ngunit, naiintindihan 'to ni Marvin!
Tiningnan niya ang kanyang Nobility knowledge at nagulat siyang mayroong ditong [Anzed Language].
Bigla niyang naisip na higit na mas kapaki-pakinabang ang Nobility Class kaysa sa Civilian class. Mayroon itong kasamang, horsemanship, accounting, at iba pang mga praktikal na mga ability, isama pa dito ang hindi inaasahang husay sa iba't ibang klaseng lenggwahe.
Kakaunti lang ang pumipili ng Nobility na class sa laro at isa na si Marvin sa mga walang interes dito. At dahil doon, hindi niya alam ang mga sikreto nito.
Ngayong napunta siya sa loob ng katawan ng isang noble, nagkaron na siya ng pagkakataong magamit at maranasan ang mga abilidad ng class na'to.
Pinakinggan pa niya ng mabuti at nalamang tunog babae at lalaki ang boses nito. Apat na linya lang din ang kinakanta nito.
"One flower, two flowers, tonight the devil won't return home."
"Hating the rain falling, hating the thunder rumbling, I sit in the well, weeping."
"Dressed in white for a celebration, dressed in black for a funeral, midnight bell has yet to stop ringing."
"The deceased, has yet to die."
...
Sobrang nakakatakot ang boses. Habang tumatagal ang pakikinig ni Marvin mas lalo itong natatakot.
Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ni Marvin ang apat na linyang 'yon.
Hanggang sa pilitin niyang ilayo ang sarili mula sa bato. Unit-unti namang tumahimik saka niya tiningnan kung ano ang nasa likod ng batong 'to.
"Mayroong tao sa loob!"
Natakot ng nakakatakot na boses na 'yon ang kadalasang matapang na Marvin.
Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadama…
'Fear skill kaya 'to?'
Sumimangot si Marvin at tiningnan ang kanyang logs pero wala naman siyang nakitang fear check.
Isa pa, gamit niya ang [Vanessa's Gift] na pinatataas ng 10 na puntos ang fear resistance niya. Hindi dapat gumagana sa kanya ang mga ordinaryong fear magic.
Pero sa kaibuturan ng kanyang puso nanggaling ang takot!
Hindi man ito isang fear skill pero pakiramdam niya na nagdudulot ng matinding takot ang boses na 'to sa kanya.
'May kayamanan ba ang nasa loob o isang halimaw?!'
Namumutlang tiningnan ni Marvin ang batong nasa likuran niya. Nilakasan niya ang loob niya at panandaliang kinalimutan muna ito.
Kailangan niyang ituon ang lahat ng lakas niya. Hindi siya maaring maging abala sa ibang bagay. Saka na niya poproblemahin ang nakakatakot na boses kapag nabawi na niya ang White River Valley.
...
Agad na umalis si Marvin mula sa lagusan at bumalik sa bahay kung saan niya ginapos si Lola.
"Anong gagawin mo?"
Takot na takot ang babae. Matagal-tagal rin siyang nakaupo dun at nag-iisip kung pakakawalan ba siya ng lalaki.
'Ang lalakimg 'yon, ano bang gagawin niya sa akin? Gagamitin ang katawan ko tapos papatayin? O papatayin lang agad katulad ng mga gnoll?'
Kung ano-ano ang naisip ni Lola. Habang mas iniisip niya ito, mas lalo siyang napapraning. Kahit na masamang tao siya pero hindi naman siya kasing sama ng mga gnoll, hindi ba?
'Baka 'yong mas nauna.'
Lalo siyang natakot habang iniisip 'to.
Dahil dito, bigla itong nagpumiglas matapos siyang pakawalan ni Marvin… na agad namang napigilan 'to ni Marvin.
"Kapag hindi ka tumigil, papatayin kita," sabi ni Marvin habang tinututukan ng curved dagger sa leeg si Lola.
Mababa at nakakatakot ang kanyang tono. Marahil apektado pa rin siya ng kantang nadinig niya kanina.
Nanginginig sa takot si Lola, biglang naglaho ang tapang na inipon niya.
'Mukhang pinanganak akong malas.'
Pumikit lang siya at inintay ang kanyang kapalaran.
Walang ginawa si Marvin kundi nagtatakang tinanong ito ng, "Anong ginagawa mo?"
"Ha?" Walang kamalay-malay na binuksan ni Lola ang mga mata nito.
Bumulong si Marvin ng, "Maghanda ka, ilulusot kita sa mga nakabantay na gnoll."
…
Kung mag-isa lang si Marvin, madali lang ang makalusot sa mga gnoll.
Pero mukhang mahihirapan sila kung dalawa sila.
Walang kahit anong class ability si Lola kaya naman hindi ito makakatulong kay Marvin at baka maging pabigat pa ito sa kanya.
Buti na lang, may naisip nang paraan si Marvin. Inilayo niya ang mga aardwolf palayo sa mga lugar na binabantayan ng mga 'to at dinala palabas ng White River Valley si Lola.
Paglipas ng tatlong araw, nakabalik na muli sa River Shore City si Lola. Sobrang saya niya.
'Sa wakas! Nakabalik din sa kabihasnan!'
Malaking hirap ang dinanas niya sa kulungan ng White River Valley dahil sa mga maduming gnoll na 'yon.
Muntik na siyang lamunin ng buhay, iprito, o iihaw. Hindi lahat ng tao ay nakaranas ng ganito.
Halos maiyak sa tuwa si Lola na buhay pa siya.
"Salamat. Maraming Salamat." Taos puso niyang pinasalamatan si Marvin.
Kahit na mukhang isang mabagsik na tao ang lalaking kaharap niya, hindi naman pala ito kasing sama ng inaakala niya.
May binubulong si Marvin na habang suot pa ang maskara na parang nag-aatubiling magsalita. At bigla niyang tinanong, "Alam mo na ang daan papuntang Jewel Bay?"
"Ha?" Nagulat si Lola.
"Alam kong hindi ka anak ng pinuno ng Chamer ng komersyo. Alam ko rin na isa kang manggagantso. Pero nagdesisyon akong bigyan ka ng pagkakataon."
May inilabas na supot si Marvin at ibinigay kay Lola, "May pera sa loob niyan, sapat na 'yan para makapunta kang Jewel Bay at makabalik dito. Ang matitira pwede mong gamitin para kumuha ng mga taong poprotekta sayo at manuhol ng mga tao."
"May gusto akong ipagawa sayo. "
Gulat na tiningnan ni Lola si Marvin.
"Kilala mo kung sino ako?" Nagdududang tiningnan ni Lola si Marvin. "Sinabi sayo ng lord ng White River Valley? Tauhan ka ba niya?"
Gulong-gulo si Lola.
Hindi nagpaliwanag si Marvin. "Medyo."
"Bakit ka nagtitiwala sa akin?" Kinuha ni Lola ang supot ng pera. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama.
"Tingin ko di mo pa alam kung sino ka talaga, na hindi mo naman talaga nais maging isang manggagantso." Dagdag pa ni Marvin, "Hindi ka naman siguro ganun kasama."
"Gusto kitang bigyan ng pagkakataon."