下載應用程式
28.76% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 84: Chapter 84

章節 84: Chapter 84

編輯: LiberReverieGroup

Itong army na inabandona nI Yan Xun sa lungsod ng Zhen Huang na naging sanhi ng pagpunterya ng iba. Lahat ng pangkat ay nilipun para maging bayani laban sa mga kalaban. Sa mga nakalipas na araw, si Chu Qiao at ang kasamahan niya ay nalalabanan ang hindi mabilang na pag patay.

"Binibini," maingat na tumakbo si Xiao galing sa ilalim ng pananakip at bumulong kay Chu Qiao, "ang kalaban ay parating na, maaring bigyan niyo kami ng kautusan na umatake!"

Minatiling naka tungo lang si Chu Qiao at kalmadong sumagot, "Mag hintay pa tayo ng kaonti."

"Ngunit Binibini, nasa 200 ka layo na lang sila!"

"Magintay pa tayo ng kainti."

"Kung mag hihintay pa tayo, ang pakiki pag labanan natin ay mawawalang saysay!"

"Hindi pa nga oras."

Malapit na ituloy ni Xiao ang pag kukumibinsi kay Chu Qiao ngunit sa pangyayari itomay pula at puting watawat ang tinaas galing sa hindi ka layuan. Sa mga nakikita sumigaw na si Chu Qiao, "Umatake na!"

Sa mfa oras na yon, mga alulong na pakikipag digma ang nag uumapaw sa kapaligiran. Ilang libong matutulis na patalim ang lumabas at nakalipag laban sa kalaban. Sa mga kaaway ay na hindi handa ang pag kakaayos bilang pag mamadali at biglang pag lubog ng kaguluhan.

Nakakapag dududa ang mga ibang pinatay. Kasama ang mapanganib na kalkulasyon, nakakuha ng pinaka maayos na oportunidad si Chu Qiao gamit ang perpektong gawa na kompletong naka paligid para mawala ang kalaban. Sa isang oras ang labanan ay natapos na. Dahil sa walang oras na habulin ang mga nakatakas na kalaban, nag padala si Chu Qiao ng tauhan para tapusin ang mga natirang kalaban! Pagkatapos ng apat na araw sa hindi mabilang na pag tago at pag takbo, itong mga hindi natatakot na Southwest ng sugo ng Garrison ay nagawa nilang pigilan at lumaban ng malaya sa simple sa kabundukan ng Qing Ping!

Ang kalangitaan ay nag uumpisang umambon. Sa mabilis na pag punas sa maputla at nanghihinang mukha nito, marahan na binalik sa lagyan nag sandata ni Chu Qiao. Matigas na kautusan ang boses niya, "Mga mandirigma, tayo ay aatras na."

Ang lahat ay nalunod sa usap usapan. Ang malaking tagumpay ay napuno ang nga puso nila ng pag mamataas at uhaw sa dugo, at ang hangarin nila para mapag higante ang mga naka ukit sa mga kaluluwa sa nakaraang apat na araw ng pakikipag laban. Sa mga oras na iyon, ang oportunidad nila sa labanan ay naging mabilis, at ang pag kakaatras sa gitna ng malaking momento ay nakapag dududa sa pagmamalaki pati narin sa mga bagong na hikayat ay hindi gumawa. Hindi makikitaan sa mga mata nila ang kasiyahan kundi ang respeto at pag papasalamat para sa batang babae na sumagip sa kanilang buhay, na hindi nila na sabi ng malakas. Kahit na sa mga mata nila ay makikitaan mo na halata kung ano man ang nasa isip nila.

"Mga sundalo, alam ko ang mga nasa isip ninyo."kumuha ng kaonting oras ang dalaga para maiiayos ang boses nito. Bago itinuloy ang pag sasalita sa tuktok ng boses nito, "Sa mga oras na wala tayong pahinga dahil sa Empire na ito, lahat ng pangkat ay isaayos lahat ng sandata. Ito ang dapat munang gawin para mahikayat natin ang mga tao na mag bukas ng panibagong pahina ng kanilang kapalaran sa lipunan. Meron na tayong malaking momento at nag uumapaw na moral at hindi tayo sumusuko sa mga oportunidad na pwede tayong umatake. Pero! Itong pakikipag laban ba ay simple lang ba kung iisipin! Hindi! Hindi dapat! Dahil maraming na ka agapay na sundalo sa bawat maharlika, ang bawat isa sa malaking pamilya, bawat isa at tribo ay meron. Lahat ng hukbo ay ay maraming tapat at matapang na sundalo. Hindi man sila ginawa para lumaban para sa ating imperyo ay hindi na sila pwedeng makipag laban sa atin pag natalo natin ang hukbo ng pamilyang Zhao! Kapag na talo natin ang pamilyang yang Zhao ay handa rin silang kalabanin tayo. Sa ganun ang napag kasunduaan ay masisira at ang panaman natin ay babaluktot, ang patalim natin ay magiging purol, at ang mga kabayo natin ay mapapagod. Dahil sa kawalan ng pag kain at gamot gaano kahaba ang kaya nating itagal?kapag pinakita natin sa kanila na pagod na tayo ay mag kakaroon ng oportunidad ang mga makalaban na parang galit na hayop. Gaano man ka tatag at kalakas ang lion ay magiging biktima lang rin ito para sa mga lobo. Marami na tayong nagawa, lahat tayo ay mga pagod na at ito na ang oras para mag sibalik tayo sa ating bahay."

Sa mga narinig na salitang "umuwi na sa bahay" ang iba ay biglang nag umpisang humikbi. Ang iba naman ay nag salita, umaasa na hindi mag sinungaling si Chu Qiao sa malamig na reyalidad, "Ngunit, Ang kanilang Kamahalan ay inabandona na kami."

"Oo, Binibini, kami ay walang matirhan na."

"Kami ay rebelde ng Empire at naabandona na ng Yan Bei. Saan kami pupunta nito?"

"Wag kayo maniniwala sa mga walng kabuluhang tsismis!" sigaw ni Chu Qiao. Isang supresang malakas na tunog ang lumabas sa mahinang pigura niya. "Ito ay isang taktika nila para mawaaln ng sundalo ang mga taga Yan Bei! Ang Kamahalan niyo ay hindi kayo inabandona! Ang Hari ng Yan Bei ay hindi inabandona ang mga mamamayan niya!"

"Ngunit ang Kamahalan ay umalis sa ating likod, pinaligiran at walang tumutulong. Lahat tayo ay nakita ng sariling mga mata natin."

Hindi! Ang kamahalan ay hindi tayotinalikuran! Pinadala niya ako para sagipin kayo!"

"Ibig sabihin ang aming pampalakas ay isang tao pang?"

Napataas ang kilay ni Chu Qiao at hindi siya umalis sa pag debate at nag deklara, "Oo, yun nga. Pero nagawa ko! Ang kamahaalang ay naniniwala na kaya kong gawin, kaya inatas niya sa aking ang tungkulin na to. At nag tagumpay ako sa aking tungkulin!"

Ang buong patlang ay tumahimik. Kahit na ang hirap tanggapapin ito ang reyalidad. Itong payat na dalaga ay nasagip ang humigit kumulang 400 na sundalo sugo galing sa Southwest Garrison sa sarili lamang. Kasama itong mga sundalo ay na sira niya ang pag salakay at pag patay sa mga kalaban naka paligid.

"Mga madirigma, wag na kayong mag atubiling pa! Ngayon, kaylangan nating ilibing ang mga kasamahang nasawi sa atin sa labanan. Iiwan natin muna ang katawan nila, ngunit dadalhin natin ang kanilang pangarap. Nilaban natin ang bayan, kasama ang dugo sa bayan natin at namatay tayo sa bayan natin. Ang kasaysayan ay ay maaalala lang ang katapatan at katatagan mo. Ngayon, sundan niyo ko, at babalik na tayo!" Sa ganun biglang na tungo ang ulo ni Chu Qiao. Ang maitim na buhok nito ay nalaglag sa mag kabilang bahagi na parang isang talon na perpektong pag yuko.

Nanatiling tahimik lang ang mga sundalo. Isa isang mga nag siluhod gamit ang isang tuhod ang mga sundalo at umalolong ng sabay sabay, "Kami po ay susunod sa inyo!"

Sa araw na iyon, dala ng hangin ang amoy ng dugo sa malayo at malawak, kasama ang alulong ng mga sundalo sa pagdala ng hangin. Itong mga sundalo ay hindi alam na ang army na ito ang mag wawasak sa kanila at hindi intensyon mahanap at masira ang mga sugo ng Southwest Garrison. Sa pagkat ito ay naunang pangkat ang nabuong army ng 11 northwest ng maharlika at tribu na patungo sa Zhao Yang para sa isang hangarin na lusubin ang Yan Bei. Lahat ng nahanda nila ay naiaayos na, kasama ang mga pagkain na natipon, mga sugatang tao na kailangan tulungan sa pangangailangan at maingat sa kondisyon ng pagsuri sa heograpiko ng Yan Bei. Nang makahanap sila na pinaka magaling na sundalo sa rehiyon , lahat sila ay naka ayos para lumaban kung ang pangunahing army ay dumating. Pinuntirya nila na kung hingi mapag tibay ni Yan Xun ang kapangyarihan niya sa Yan Bei, ang digmaan na ito ay ang pagkakataon na manalo 70% lamang.

Gayunpaman, lahat na naihanda ay walang pasasalamat ang anyo ni Chu Qiao. Sa mga narinig na balita, itong binata ay naiwang hindi makapag salita nang mahabang panahon. Pinapaalala ng pigura na isang matibay ang tayo atnasa kaitaasan na nag mamatsyag sa tore tuwing gabi.

"Kamahalan, walang pag asang malusob natin ang kuta ng Yan Bei. Sisirain na ba natin ang pangakat na ito?"

Napatuko ang ulo ni Zhao Yang at nanatiling malalim ang iniisip. Sa wakas, tumayo ito at nag utos, "Ang malaking isda ay nakataka na, bakit pa natin bibigyangpansin ang mga hipon na iyon? Bumalik tayo sa lungsod ng Yun!"

Samantala, sa Bie Ya libis ng Xi Ma Liang, ang kampo ay makikita roon. Sa harap ng unang tolda ay merong isang itim na Iron Eagle War Flag. Si Lady Yu ay binuksan ang tolda at pumasok roon. Bago niya maibuka ang bibig niya, may naririnig siyang galit na boses ng lalaki na paparating, "Hindi ko ba sinabi sa iyo na wag kanang pumasok rito?"

Nagulat si Lady Yu at natigil sa pag galaw. Mahinahon siyang sumagot, "Master, ako ito."

Napalingon si Yan Xun at nang makita na si Lady Yu ito at nag madaling bumalik, "Ikaw pala Miss Yu, humihingi ng kapatawaran ang iyong Yan Xun sa masamng pag sasalita." Sahot nito.

"Okay lang,Master." Ngumiti si Lady Yu. "Dumating na ba si AhJing?"

Tumango si Yan Xun at wala nang sinabi, ngunti ang ekspresyon nito ay halatang na irita.

"Kamahalan, ilang linggo narin ang nakakalipas kailangan nating umalis." Patuloy ni Lady Yu, "Ang Yan Bei ngayong ay nasa kaguluhan ngayon. Narinig ko sa Master na kailangan ng bumalik, ang ilang pangkT ng Yan Bei ay nag kakagulo. Maraming oras na ang nasayang natin."

Mahinang na pabuga si Yan Xun. "Naiintindihan ko."

"Dapat lang na maintindihan ng Master.sapat na rin ang iyong talino kung anong nangyayari kung ipag papatuloy natin ang pag antala, kahit na ilang araw pa iyan. Ngunit

hindi ka umaakto na lohikal.Master, hindi ikaw ang kilala

ko. Alam ko na kahit si Chu Qiao ay nakatayo lang rito, hindi niya gugustuhing binabaliwala mo ang malaking pigura. Kahit na hidi mo hintayin rito, sa kanyang kakayahan, ay hindi ka magdududa na babalik ka sa Yan Bei na buo at maayos."

Dahan dahan tumaas ang ulo ni Yan Xun at bumulong, "Naiintindihan ko ang gusto mong iparating, ngunti nag aalala lang ako. Nung bumalik siya at nakitang hindi ko siya inintay na bumalik ay na bigo ko siya."

"Ano?" Gulat na sabi ni Lady Yu. Itong lalaking ito ay mayigas ang ulo na mag bibigay ng kapahamakan sa buong army hindi lNg sa nag aalala siya kaligtasan ni Chu Qiao kundi dahil sa nag aalala siya na baka magalit ito sa kanya?

"Nababaliw na ako, hindi naman diba?" Natatawang hindi makapaniwala si Yan Xun at iniling ang ulo. "Hanggat na tao ka pa, hindi mag dududa ng ilang beses yun kung walang ginawalang kabaliwan na pag kakamali. Nag sinungaling ako sakanya, at inabandona ko ang mga sugo ng Southwest Garrison. Baka wala pa siyang nasasabi, pero alam kong galit siya. Gusto ko ng mag paliwanag sa kanya sa lalong madaling panahon."

Napakunot si Lady Yu, "Pero…"

"Alam ko." Pinutol ni Yan Xun ang sasabihin nit, "Bukas, kapag hindi pa siya dumadating ay aalis natayo."

Napabuga na lang nang hininga si Lady Yu at tumango, "Kung yan ang kaso, ako ay aalis na ngayon."

Nag lalakad si Yan Xun at nag salita, "Susunod ako sa labas."

Nang makalabas ng tolda, isang patalim ang tumungo sa tagiliran ni Yan Xun, kasama ang malakidlat na alulong. Romosponde si Yan Xun na parang halimaw sa galit, at dahil sa mabilis na diwa nito sumabog siya sa aksyon. Ang palad niya kumuha sa balakang ng patalim at sinalag ang padating na patalim. Kasama ang pag baluktot ng katawan niya ay nasalag niya ang paparating na nakakamatay na atake!

"Protektahan ang kamahalan!" Kalmadong sigaw ni Lady Yu. Pagkatapos, ang mga guwardya ay pasugod na sumulong, Pagkatapos ng mabilis na murahan ay na dakip ang mga assassin.

Nakatayo kasama ang mga tao si Yan Xun at nakasimangot sa pinapasukung lalaki. Naka kunot ang noo ng mag deklara si Yan Xun, "Sabi ko, wag kayong papayag na tumatlong beses!"

Ang sumugat ay nasa 20 atang iba ay may anking kagwapuhan ang mukha. Ang masiglang sinag ng araw ay tumatama sa mga pag mumukuha na nag bibigay ng ekspresyong na nauuhaw sa dugo. Ang mga assassin ay nakatitig lamang kay Yan Xun at matigas ang pagsasalita, "Bilang isang traydor, lahat kami ay sinubukang patayin ka!"

"Stupido!" Singhal ni Yan Xun. "Zhao Song, ito na ang huling pag kakataon mo. Kinikilala ko ang pgiging magkaibigan natin, papalagpasin ko itong huling ginawa mo. Kapag tayo ay mag kita muli sa susunod na araw sisiguraduhin kong makikipag laban na ko sayo ng buong lakas!"

Ngumisi si Zhao Song. "Yan Xun,akala ko ay isa kang malamig na tao na nakikita ko kung paano mo pinatay ang mga tao sa kapitolyo. Bakit nag bibigay awa ka pa saakin? Ang pag patakas sa akin ngayon ay mag bibigay pag sisis sa iyon hinaharap!"

Tumalikod na si Yan Xun at hindi na ito pinansin. "Patakasin mo na siya."

"Nasaan si Chun'er?"

"Wala rito si Chun'er!"

Galit na sigaw ni Zhao Song. "Sinungaling ka!"

Pinabayaan niyang mailabas ang galit at binalik ang sigaw ni Yan Xun, "Hindi ko na kailangang dalhin ang prinsesa ng Xia na kung saan na waalng ng estado!"

Napasimangot si Zhao Song at sa wakas na niwala na siya kay Yan Xun. Tinaas niya ang ulo niya at sinabi kay Yan Xun, "Yan Xun, uulitin ko, sa araw na ito ang pagiging mag kaibigan natin ng walong taon ay walang saysay at tayo ay hindi na mag kakilala. Kapag tayo ay mag kita pang ulit sa hinaharap, susubukin kong patayin ka. At hindi ka na dapat mag pigil. Pinalaya mo na ko ng tatlong beses at ang balik ko sayo ay kung mapatay kita sa hinaharap at mag papakamatay ako sa ibinigay mong buhay sa akin. Ipapakita ko sayo ang pag hihiganti sa pamamayanan ng Royal ng kapitolyo ay madadala!"

Hindi na sumagot pa si Yan Xun. Sa hangin ng Xi Ma Liang, ang roba niyang wumagayway na parang lumilipad na ibon. Hinarap ang hangin, ang mukha nito ay kalmado ngunit ang mata niya ay nasa ilalim ng karagatan, walang kahit sino man ang nakakabasa ng isipan niya.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C84
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄