下載應用程式
46.87% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 465: Marahil ay Ligtas na Tayo

章節 465: Marahil ay Ligtas na Tayo

編輯: LiberReverieGroup

"Pero nasukol na tayo!" Dumilim ang mga mata ni Ali. "Xinghe, iwanan mo na kami. Ang isang nakaligtas ay mas maigi kaysa sa wala, saka kailangan mong mabuhay para ipaghiganti kami."

"Tama iyon, pakiusap umalis ka na!" Payo din ni Charlie sa kanya, "Hindi ito ang problema na dapat mong dalhin."

Umiling pa din si Xinghe. "Sinabi ko na, hindi ako aalis."

Napakalaki ng kakahuyan, saan siya pupunta ng mag-isa? Isa pa, hindi niya iiwanan ang mga kaibigan niya. Hindi niya iniisip na mamamatay naman ang mga ito.

Tinitigan ni Charlie si Xinghe at nagpatuloy, "Isa pa, kailangan ko ang tulong ni Mr. Charlie tungkol sa ilang bagay."

Naguluhan si Charlie. "Ano ba iyon?"

"Hinahanap ko ang pinakakuta ng IV Syndicate. Kailangan ko ang impormasyon mula sa iyo," direktang sambit ni Xinghe.

Nasorpresa si Charlie. "Gusto mo ding malaman ang tungkol sa IV Syndicate?"

Sa oras na ito ay nasorpresa si XInghe pero mabilis siyang sumagot, "May dati nang nauna na nagtanong sa iyo tungkol dito?"

"Tama iyon, isang General ang nagpatawag sa akin para magtanong tungkol sa bagay na ito."

SInubukang alalahanin ni Xinghe ang mga bagay na nakita niya noon. Kaya naman pala may importanteng General na nandoon sa kampo…

Bigla, naalala ni Xinghe ang lalaki na nakaitim sa tabi ng General. Nakasuot ito ng sumbrero kaya naman hindi niya nakita ang mukha nito kahit na patuloy siyang nakakaramdam ng pamilyar na pakiramdam mula dito. Hindi kaya…

Nararamdaman ni Xinghe na bumibilis ang tibok ng kanyang puso, mabilis niyang tinanong si Charlie na tila nagmamadali, "Ang General na sinabi mo, may lalaki ba na nakasumbrero sa tabi niya?"

"Tama iyon!" Tumango si Charlie.

"Ano ang hitsura niya?"

Umiling si Charlie. "Wala akong ideya, hindi ko nakita ang mukha niya."

"May sinabi ba siya habang nagpupulong kayo?"

"Oo, may tinanong siya sa akin at base sa kanyang tono, hindi siya mula sa bansang ito…"

"Ang tono ba niya ay katulad ng sa akin?" Tanong ni Xinghe.

Bigla ay nakita sa mukha ni Charlie ang pagkakakilala at sinabi nito, "Ngayong binanggit mo na, oo!"

"Kung gayon, ligtas na tayo!" Anunsiyo ni Xinghe. Ang iba pa ay naguluhan.

"Xinghe, ano ang ibig mong sabihin doon?" Nagtatakang tanong ni Ali pero may pag-asa dito, "May alam ka na ba kung paano tayo makakaalis sa gulong ito?"

"Computer…" hindi sumagot si Xinghe pero nagsimulang hanapin ang kanyang laptop. Binuksan niya ang aparato at inutusan sila nang hindi inaalis ang mga mata sa screen, "Subukan ninyong i-hold sila hanggang kaya ninyo. Hahanap ako ng makakatulong sa atin!"

"Xinghe, ano ba ang pinaplano mong gawin?" Nananabik na tanong ni Sam. Sa ibang kadahilanan, naniniwala siya kay Xinghe nang sinabi niya na maliligtas na sila. Ganoon din ang nararamdaman ng iba pa. Malaki ang tiwala nila kay Xinghe, lubos ang paniniwala nila dito kaya naman buo ang tiwala nila dito.

"May paraan ako para maligtas ang lahat pero hindi ako sigurado…" pinagana ni Xinghe ang kanyang laptop at kinakabahang sumagot. Hindi talaga siya sigurado kung ang taong iyon ay si Xi Mubai.

"Ang grupo ni Charlie, tumigil na kayo sa paglaban!" Walang pasensiyang sigaw in Barron, "May limang minuto pa kayo para sumuko kung hindi ay susugurin na kayo ng mga tauhan ko!"

Matapos noon ay iniutos nito, "Ihanda ang mga pasabog, kapag tapos na ang limang minuto, pasabugin silang lahat!"

"Yes, sir!" Sagot ng mga sundalo niya. Narinig nina Sam at ng iba pa ang utos ni Barron.

"F*ck, hindi natin tatanggapin ito ng ganito lamang. Ihanda na din natin ang mga pasabog natin!" Malakas na sigaw ni Sam para marinig ito ni Barron.

Tulad ng inaasahan niya, dumilim ang mukha ni Barron matapos niyang marinig si Sam.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C465
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄