下載應用程式
27.82% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 276: Sino Ka?

章節 276: Sino Ka?

編輯: LiberReverieGroup

Walang ideya si Mubai kung paano siya nakaligtas sa nakaraang kalahating buwan.

Pero mula sa paningin ng ibang tao, katulad pa din siya ng dati. Pumapasok ito sa kanyang trabaho at buhay tulad ng dati.

Ang tanging pagkakaiba ay mas lalo siyang naging tahimik kaysa dati. Tahimik na siyang tao bago pa nito at ang mga nakaraang pangyayari ay lalo lamang nagpaatras dito patungo sa sarili at lumayo sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.

Tila ba ibinubuhos nito ang lahat ng enerhiya nito sa trabaho. Mayroon lamang 24 na oras kada araw at nagtatrabaho siya ng 15 oras, kung kaya tinitingnan pa niya ang mga email niya sa trabaho kahit na malalim na ang gabi.

Nang natapos na siyang mag-scroll sa kanyang mailbox sa isang tila-robot na paraan, tumunog ang alarma sa kanyang computer, nagbibigay babala sa kanya na nagaganap ang isang external hacking.

Biglang nagpokus si Mubai. Sino ang nag-hack sa computer ko?

Ang kanyang computer ay mayroong pinakamagaling na defense system, sigurado siya na wala ni isa sa mundo ang makakagawang maka-hack nito.

Ang sorpresa ni Mubai ay hindi pumigil dito na agad-agad labanan ito.

Tila ba nahuhulaan ng kanyang katunggali ang kanyang mga galaw. Ang bawat isa sa kanyang counter attack ay natatalo at patuloy na umaatake ang kanyang kalaban.

Napakunot-noo si Mubai. Ang bilang ng mga tao na kanyang karibal sa hacking ability ay mabibilang sa kanyang daliri. Ang isa sa kanila ay ang dating asawa, si 001, na dati ay perpektong napigilan ang kanyang mga pag-atake.

Ang kasalukuyan niyang katunggali ay mukhang nasa antas ni Xinghe.

Kumunot ang noo ni Mubai sa pag-aalala at pag-uusisa. Sino ang taong ito at ano ang gusto niya? Ngayong natuklasan na siya, kung lohika ang gagamitin, dapat ay umatras na ito; so, bakit hindi pa ito umaatras? Bakit ba nagpupumilit ang taong ito na maghack sa computer ko?

Kahit ano pa ang intensiyon ng kalaban niya, hindi pumapayag si Mubai na manalo ito. Dahil ang computer na ito ay maraming importanteng dokumento sa kanyang negosyo; kailangan niyang panatilihin itong ligtas!

Gayunpaman, dahil sa bangis at abilidad ng kanyang kalaban, isa-isang natatalo ang kanyang mga depensa…

Sa kabilang banda naman, hindi na maganda ang lagay din ni Xinghe.

Ang katawan at kaluluwa niya ay mahina pa dahil sa kakagaling pa lamang niya. Isa pa, hindi pa siya sanay sa pisikal na katawan ni Xia Meng. Gayunpaman, pinagtangis niya ang kanyang mga ngipin at nagpatuloy pa.

Sa wakas, matapos ang kalahating oras, naubos niya ang lahat ng depensa ni Mubai. Nag-iwan siya ng mensahe.

[I come in peace.]

[Sino ka?] mabilis na sagot ni Mubai at sinundan niya ito ng isang babala, [Kapag hindi mo ipinaliwanag agad ang sarili mo, hihiling ako sa mga pulis na mag-imbestiga.]

[Ang apelyido ko ay Xia.] Maikling sagot ni Xinghe.

Nagulat si Mubai. Ang una niyang reaksyiyon ay, Ito siguro si Xia Xinghe! Pero hindi ba't wala pa siyang malay?

[Sino ka ba talaga?] Isang kinakabahang Mubai ang nagtanong, mas lalo siyang naging mausisa tungkol sa katauhan ng kanyang katunggali.

Hindi direktang sumagot si Xinghe, imbes ay nagtanong siya, [Maniniwala ka ba na sa mundong ito ay may mga bagay na kahit tao ay mahihirapang ipaliwanag?]

Tinitigan ni Mubai ang linyang ito at nanimdim ang kanyang mga mata.

[Ano ang iyong punto?]

[Ang punto ko ay, nakaranas ako ng bagay na tulad nito. Hindi ko ito maipaliwanag sa iyo sa isang lohikal na paraan, pero ito ang katotohanan. Alam kong hindi ito kapani-paniwala pero matapos kong magising, nakita ko ang kamalayan ko sa katawan ng ibang tao.]

Nanlaki ang mga mata ni Mubai ng mabasa niya ito—

Tinitigan niya ng husto ang screen at mabilis na tumibok ang puso niya.

[Sino ka at anong anggulo ang pinupuntirya mo? Dumerekta ka na sa punto. At ano ang ibig mong sabihin na ang kamalayan mo ay nasa katawan ng ibang tao?] sunud-sunod na tanong ni Mubai. Nararamdaman niyang tila ang puso niya ay nasa kanyang lalamunan.

Binasa ni Xinghe ang kanyang mga tanong pero, sa ibang dahilan, ay natatakot siyang sabihin dito na siya ay talagang si Xia Xinghe.

Maniniwala kaya si Mubai sa isang kakatwang kwento?


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C276
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄