"Papaanong hindi siya ang kapatid mo?" Napaatras na tanong ni Xiao Mo.
Excited na ibinahagi ni Xia Zhi ang kanyang hypothesis, lalo na ngayong may nakuha siyang makikinig sa kanya. "Narinig mo na ba ang reincarnation?"
"Reincarnation? Parang iyong sa relihiyon?" Tanong ni Xiao Mo, na hindi nagbabasa ng web novels, ay nalilito sa kategorya at sa mas karaniwang kahulugan nito.
"Hindi, ang reincarnation ay…"
"Zhi, mayroon kang nunal sa kaliwang pisngi ng pwet mo, tama?" Pumaimbabaw ang boses ni Xinghe sa boses nito.
Napaubo ng malakas si Xia Zhi at nilunok na lamang ang natitira pa sanang sasabihin niya. Natitigilan siya habang unti-unti siyang namumula…
"Ate, pwede bang huwag mong ipagkalat ang pribadong impormasyon ng basta-basta na lamang?" Reklamo ni Xia Zhi.
Sumagot si Xinghe ng may ngiti. "Kung ganoon, nakikiusap din ako sa iyo na huwag ipagkalat ang pinaka pribadong reincarnation ko ng basta-basta din."
"…" natagpuan ni Xia Zhi na mahirap gantihan ng ngiti ang kanyang ate.
"So, ang sinasabi mo ay…" pinipilit na ituloy ni Xiao Mo ang sinasabi ni Xia Zhi pero pinutol siya nito agad. "Iyon na lamang ang sasabihin ko tungkol sa buhay ng ate ko dahil nirerespeto ko ang kanyang privacy, wala akong sasabihin na kahit ano kahit na magmakaawa ka pa sa akin!"
"Hindi, nagtataka lang ako kung bakit alam ni Miss Xia na may nunal sa pwet mo."
"Dude, iyang detalye na 'yan ang pinagtuunan mo?!" Natitigilan si Xia Zhi. Para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan, mabait siyang nagpaliwanag. "Nakagat ako ng mga bubuyog sa likuran noong ako ay pitong taon pa lamang, alam mo na kung ano ang kasunod…"
"Pero bakit tinarget ng mga bubuyog ang pwet mo?" May pahabol pang tanong si Xiao Mo. Pinagulong ni Xia Zhi ang kanyang mga mata. "Paano ko malalaman ang sagot diyan? Babalik na nga ako sa trabaho ko!"
Nagprisinta si Xinghe na puna nang mga blangko. "Oh, ako alam ko! Naaalala koi yon dahil si Zhi ay…"
"Ate—!" Napahiyaw si Xia Zhi at tinapunan siya ng masamang tingin habang idinadagdag na, "Papatayin ko na ang sarili ko 'pag may sinabi ka pang isang salita."
"…" Napakurap si Xinghe ng ilang beses bago binalikan ang computer screen habang sinasabi, "Sige na, bumalik na tayong lahat sa trabaho natin."
"Miss XIa, hindi mo pwedeng bitinin na lang kami ng ganyan. Naghihintay pa ang mga nanonood…" pigil ni Xiao Mo.
"Ikaw lang ang nag-iisang manonood, ang mga mambabasa ay hindi kasali!"
"Oo naman, kasali ang mga readers! Kung wala sila, sino ba tayo? Utang na loob natin sa kanila ito…"
"Kailangang may mga bagay tayong papanatilihing misteryoso okay? Nang sa ganoon ay babalik pa silang muli."
"Sinisigurado ko sa iyo, hindi sila babalik kung hindi mo tatapusin ang kwento…"
"Kayong dalawang nagdadaldalan diyan, isusulat ba ng kwento ang sarili niya?" Binigyan silang dalawa ni Xinghe ng malamig na tingin, na nagpuwersa kay Xiao Mo at Xia Zhi na bumalik sa kanilang mga workstation.
"Kailan magsisimula ang susunod na phase ng plano?" Tanong ni Xiao Mo makalipas ang ilang oras, handang-handa na siyang pira-pirasuhin ang kanyang kaaway.
Inilayo ni Xinghe ang kanyang mga mata sa computer screen at sa isang mapang-usisang ngiti ay nagsabi, "Sa loob ng isang linggo."
Isang linggo?
Mabilis na nag-isip si Xiao Mo at naliwanagan siya kung bakit.
Matapos ng isang linggo ay ang taunang Hacker Competition ng Hwa Xia.
Dahil sa okasyong iyom, ito na rin ang magiging araw ng inspeksiyon para sa mga maiimpluwensiyang computer security authority ng bansa.
Lahat ng security software ay papasok sa inspeksiyon, dahil ang software na makakapasa sa inspeksyon lamang ang lalabas sa merkado.
Ang top three security software packages ang magiging pinakamasigasig na mabebentang items sa taong iyon.
Pero ang may pinakamalaking benepisyo ay para sa mananalo.
Maliban sa kumpirmadong bilang ng mga siguradong mabebenta, ang kumpanya sa likod nito ay magkakaroon ng pagkakataon na makatrabaho ang Xi Empire. Ang software na ito ay maisasali sa pinakabagong operating system ng Xi Empire.
At halos 70 porsiyento ng Hwa Xia ay gumagamit ng operating system ng Xi Empire.
Kung nanaising isali ng Xi Empire ang security software, ang kinabukasan ng kumpanya ay masisigurado na dahil ang kanilang produkto ay maipapakilala sa malaking market.