下載應用程式
7.86% Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 78: GANOON PALA SIYA NAHULOG!

章節 78: GANOON PALA SIYA NAHULOG!

編輯: LiberReverieGroup

Ang hindi maitatagong galit sa boses ni Chui Ming ang nagbigay lambong sa madla. Natahimik ang lahat ng nasa silid.

Naiintindihan nila ang galit nito.

Sinusubukang lumusot ni Xinghe sa pagkakataong iyon dahil mayroon daw itong 'pruweba', ito ang pinakamababang uri ng panlilinlang at lahat ng nasa silid ay kinakampihan si Chui Ming.

Kung inamin na lamang ni Xinghe ang pagkakamali simula pa lamang, hindi na siguro siya tinutugis ng ganito katindi ni Chui Ming. Ito ang nasa isip ng mga tao.

Ang hindi nila alam, kahit ano pa ang asal na ipakita ni Xinghe, ay hindi siya palalagpasin ni Chui Ming.

Tulad ng isang umaaligid na panther, tinititigan ni Chui Ming si Xinghe na para bang ito ay kanyang sisilain.

Kailangang mamatay ni Xia Xinghe!

O kaya ay kailangang masira siya hanggang sa wala na siyang pagkakataon na muling makabalik pa!

Narating ni Chui Ming ang kanyang katayuang propesyonal dahil sa wala siyang kunsensiya. Maraming buhay na ang kanyang nawasak kapalit ng mga business deal. Ni hindi man lamang siya nahihirapang matulog sa gabi.

Kung kaya kinakailangang pagbayaran ni Xinghe ng mahal ang araw na iyon kahit na nasa likod niya si Xi Mubai.

Hindi naman kaila kay Xinghe ang natatagong intensiyon nito. Kahit si Mubai ay nahulaan din ito ng tama.

Naningkit ang kanyang mga mata, interesado kung paano ito babaliktarin ni Xinghe.

Huwag sana niyang… biguin siya.

"Tama na, heto na ang katibayan!" Puno ng kumpiyansa sa sarili na inanunsiyo ni Xinghe. Sa paningin ng lahat, inilabas niya ang isang pen recorder mula sa kanyang purse.

Namutlang bigla ang mukha ni Wushuang.

Nagdala ng pen recorder ang b*tch na ito sa birthday party ng isang bata?!

Maski si Chui Ming ay nasorpresa.

Ninamnam ni Xinghe ang kanilang mga reaksiyon ng may ngiti bago niya pinindot ang play button—

Agad na pumailanlang ang mapait na tinig ni Wushuang.

[Xia Xinghe, matagal na panahon tayong hindi nagkita. Sino ang mag-aakala na susubukin mo pang mag-aksaya ng panahon na makabalik ka pa sa dati mong estado? Siguradong hindi ako. Sa totoo lang, natutuwa ako para sa iyo. Pinapahanga mo pa nga ako eh. Hindi lahat ng babae…]

Lahat ay nagulantang habang tuluy-tuloy na pumapailanlang ang boses ni Wushuang mula sa recorder.

Nanlalaki ang mga matang nakatitig si Wushuang sa pen recorder, nagdadalawang-isip kung dadakmain ba niya ito.

Pero naestatwa siya sa sobrang gulat at pagkapahiya.

Nadiskubre ni Chui Ming na tila may mali nang ilabas ni Xinghe ang recorder. Mabilis siyang kumilos subalit…

Nakaramdam siya ng nakakapanghilakbot na presensya. Tumingin siya sa pinanggalingan niyon at nakita niyang tinititigan siya ng matiim ni Mubai. Natigilan siya at hindi na nakakilos pa.

Ngayong tinititigan siya ni Mubai, nawalan na siya ng lakas ng loob na kumilos ng walang pakundangan.

Hindi siya pinipigilan sa dati niyang pagsalakay dahil sa siya ang biktima, pero ngayong may ebidensiya si Xinghe, naniniwala siyang kikilos si Mubai kapag may ginawa siyang hindi tama.

Isa pa, marami sa mga bisita ay galing sa mararangal na pamilya ang nasa party.

Agad niyang naunawaan na nabaliktad na ang sitwasyon….

Sa pagkaparalisa ni Wushuang, hindi niya napansin ang mga sulyap na ibinabato ni Chui Ming sa kanya.

Sa pagkakataong iyon, kahit bago pa matapos ang recorder, nakapagdesisyon na si Chui Ming at iyon ay para isakripisyo siya! Gagamitin niya ito para maging sakripisyo.

[Huwag kang mag-alala, may plano na ako na handang sumira sa iyo. Masasabi mo ba kung ano iyon?"] Bumaba na ang boses ni Wushuang hanggang sa maging paasik ito sa recording. Nang marinig nila ang tanong, nagtayuan ang kanilang mga balahibo.

At narinig na nila ang kalmadong sagot ni Xinghe, [Hindi ko alam, pero sabihin mo sa akin.]

Matapos noon, biglang nag-iba ang tono ni Wushuang. Para bang gumagawa siya ng vocal acrobatic.

[Ate, huwag ka nang magalit sa akin. Kasalanan ko ang lahat, ate, patawarin mo ako…]

Kasunod niyon ay ang nakabibingi nitong sigaw.

Naalala na ng lahat ang sandaling ito dahil dito na nila nakita kung paano siya nahulog.

Kaya, ganoon pala siya 'nahulog' sa unang pagkakataong iyon!

Si Wushuang pala ang namumuhi at naiinggit kay Xinghe, hindi ang kabaliktaran. Ginawa niya ang buong palabas na iyon para ipagdiinan si Xinghe!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C78
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄