下載應用程式
44.11% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1000: Kakaibang paraan ng pagpapahayag

章節 1000: Kakaibang paraan ng pagpapahayag

編輯: LiberReverieGroup

Madalas na banggitin ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran sa harap ni Han XianYu at nanghingi ng limited edition na pirma mula sa kanya, kaya medyo naaalala niya ito.

"Yung kaklase mo?" tanong ni Han Xian Yu.

Nanghimutok si Ye Wan Wan, "Oo. Naaawa ako sa boyfriend niya - lagi siyang pumapangalawa!"

Tumatawa si Ye Wan Wan nang tumunog ang kanyang telepono. Isang tawag mula sa tagahanga.

Napakibit balikat si Ye Wan Wan. "Kita mo nga naman - tumatawag ang maliit mong tagahanga. Magtrabaho ka muna, sasagutin ko itong tawag…"

"Sige!" pagtawa ni Han Xian Yu.

Pumunta si Ye Wan Wan sa lugar kung saan walang taong nakapaligid at sinagot ang tawag. "Hello, Yan Ra…"

"AHHH! Wan Wan, Wan Wan, pupunta si Han Xian Yu sa eskwelahan natin para magshoot ngayon, alam mo ba? Sayang may klase ako buong umaga kaya hindi ako makakapunta!" natural, ang nasasabik na boses ni Jiang Yan Ran ang nanggaling mula sa telepono.

Walang nagawang sumagot si Ye Wan Wan, "Huminahon ka, huminahon ka…"

Kung magiging ganyan ka, may taong kakain na ng suka...

Magsasalita na sana si Ye Wan Wan nang may pamilyar na boses siyang narinig mula sa telepono. "Wan Wan-jie! Wan Wan-jie! Wala akong klase kaya pwede akong pumunta. Kapag nakakuha na ako ng mga litrato, ibabahagi ko agad sa inyo ni Yan Ran! Handa ako!"

Naramdaman ni Ye Wan Wan na mas sabik pa ang boses na ito kaysa kay Jiang Yan Ran at hindi siya makapagsalita.

Sige, magpapanggap na lang akong wala akong sinabi...

Ah, ang sakit. Dapat matuto ang boyfriend ko mula sa boyfriend ng iba...

Nang matapos ang tawag ni Ye Wan Wan, bumalik na siya at nakitang tapos na ang makeup ni Gong Xu at Luo Chen.

May hawak na salamin si Gong Xu at seryosong pinagmamasdan ang kanyang itsura. "Ah, sino kaya ang babae na magiging maswerte para pakasalan ako…"

Ye Wan Wan: "Tama na 'yan…"

Nang makita ni Gong Xu si Ye Wan Wan, mabilis siyang lumapit para magyaband. "Oh! Ye-ge ge, dumating ka. Tara, tignan mo ako. Hindi ba sobrang gwapo ko ngayon? Hindi ba parang gugustuhin akong pakasalan ng sinumang babae na makakakita sa akin? Bakit hindi mo ako kuhanan ng litrato at ipakita kay Little Candied Plum? Hindi ba posible na magiging tagahanga ko siya kapag nakita niya 'yon?"

Gumaganap na isang estudyante ng unibersidad si Gong Xu, kaya nakasuot siya ngayon ng damit na pang-basketball. Magulo at blonde ang buhok niya, kaya nagmukha siyang pisikal na malakas at mukhang bata.

Ang gaganapin niya sa pelikula ay isang mayaman na aroganteng playboy at prinsipe din siya ng eskwelahan na gustuhin pa din.

Hindi mapigilan ni Ye Wan Wan ang sarili na umamin na maganda ang costume ni Gong Xu.

Naayon si Gong Xu sa tungkuling ito. Sa pagtingin pa lang dito ay pakiramdam ni Ye Wan Wan na si Xue Shao Yang ang nasa harap niya ngayon.

Hindi din nagpabigo si Luo Chen. Simula nang dumating siya sa pangangalaga ni Ye Wan Wan, patuloy ang kanyang training at work out. Nakasuot siya ngayon sa kanyang nakakabihag na vest at itim na pantalon. Mas maitutulad ang ugali niya sa isang cheetah kaysa sa tao; mukha siyang agresibo at paglagos.

Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang huling komento ni Gong Xu at nasisiyahang tinignan ang dalawa. "Hindi masama. Bagay ito sa inyong dalawa!"

Hindi masayang bumulong si Gong Xu, "Ye-ge ge, kapag pupurihin mo 'ko, ako lang ang purihin mo. Bakit kailangan isama mo pa siya?!"

Malamig na sumulyap si Ye Wan Wan sa kanya. "Bakit noong sinabi mo na kakain ka na tae, kumain ka ng tae ng sarili mo lang. Bakit bigla mong naisipang idamay si Luo Chen?"

Para bang biglang nagsisi si Gong Xu pero parang nasa tama pa din siya habang tumugon, "Ye-ge, hindi ba sinabi mo sa akin na umarte kaming malapit sa isa't isa sa publiko at para makaiwas sa gulo? Hindi ba kami mukhang malapit sa isa't isa?"

Ye Wan Wan: "Yung paraan mo ng pagpapahayag ng pagiging malapit ay talagang… kakaiba…"


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1000
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄